Kabanata I - XV: Rishmond Williamford

1K 70 6
                                    

4/9/16

Tinatayang nasa higit sampu ang bilang ng mga kalalakihan na dumating sa maliit na nayon, kung nasaan ngayon sina Rishmond. At ayon sa isa sa mga naninirahan dito, si Neeraj, ay ito ang mga tauhan ng maharlikang pamilya na inaabuso ang kanilang kapangyarihan. At sapilitang pinagbabayad nang mataas na buwis ang kanilang mga nasasakupan.

Matapos makita na nagtatakbuhan ang mga tao ay bumaba sa kaniyang kabayo ang isang lalaki at kalaunan ay masayang naglakad papalapit kina Rishmond. Malaki ang pangangatawan nito at tinatayang nasa anim na talampakan at limang pulgada ang taas. Meron itong isang malaking palakol na nakasukbit sa kaniyang likuran. At dahil sa wala itong buhok at puro peklat ang mukha at katawan ay labis itong nakakatakot.

"Ginoong Mizan! Nakahanda na ba ang inyong ibabayad na buwis?!" Sigaw ng lalaki.

"Guhdo..." Sambit ni Neeraj.

Agad napadakot sa kaniyang dalawang kamao si Neeraj, dahil ang mismong lalaki ang sapilitang kumuha sa kaniyang kasintahan. Batid naman niyang maaari siyang paslangin kung sakaling labanan niya ang mga ito, ngunit buo na ang kaniyang pasya na sugurin ang mga ito ngayon. Ito na lang kasi ang naiisip niyang paraan upang mabawi ang kaniyang kasintahan sa kamay ng mga ito. Ngunit bago pa man siya makahakbang ay agad siyang napalingon kay Rishmond, dahil nagsimula na itong maglakad papalapit sa lalaki, si Guhdo.

Sandali namang napatigil sa kaniyang paglalakad si Guhdo at kalaunan ay masusi niyang tinitigan si Rishmond. Subalit hindi niya ito makilala, kaya agad siyang nagsalita.

"At sino ka naman bata? Mukhang hindi ka taga-nayong ito?" Tanong ni Guhdo.

Hindi tumugon si Rishmond, bagkus ay mabilis itong tumakbo at kalaunan ay mabilis na hinugod sa suksukan ang kaniyang ispada. Matapos nito ay mabilis niya itong iwinasiwas pahalang, patungo sa katawan ni Guhdo. Subalit kahit sobrang bilis ng mga pangyayari ay nagawa pa ring maiwasan ni Guhdo ang ginawang pag-atake laban sa kaniya. Sa pamamagitan nang pagliyad at pagbaluktot ng kaniyang katawan papalayo ay matagumpay niyang naisawan ang pag-atake. Labis itong ikinagulat ng mga nakasaksi at kahit ang mga kasama ni Guhdo ay sandaling natigilan, matapos makita ang ginawa ni Rishmond.

"Whoa! Ang batang 'yon! Mukhang matapang siya! *Wahahaha!" Sambit ng isang lalaki.

"Hoy Guhdo! Wag mo munang papatayin ang batang 'yan! Gusto rin naming makipaglaro sa kaniya." Sambit ng isa pang lalaki.

Subalit ilang sandali pa ay labis silang nagtaka, dahil ang batang tinutukoy nila ay kasalukuyan nang nakatingin sa kanila. At tila ba hindi nito iniisip na nasa tabi lang niya ang pinaka malaki at malakas nilang kasama. Hanggang sa ilang sandali pa ay marahan na itong naglakad papalapit sa kanila. Dito ay napatingin na sila kay Guhdo, dahil may napansin silang kakaiba sa suot nitong damit. Isang mahaba at kulang pulang linya ang unti-unti nilang nakikita sa damit nito, hanggang sa ilang sandali pa ay malakas na sumirit ang dugo mula dito, na labis nilang ikinagulat. Agad bumagsak si Guhdo at hindi na muli pang gumalaw, habang patuloy lang sa kaniyang paglalakad si Rishmond suot ang seryosong ekspresyon.

Hindi magawang maniwala ng mga lalaki sa kanilang nakita, dahil hindi rin nila tukoy kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa kanilang kasama. Kitang-kita pa naman nilang naka-iwas si Guhdo sa ginawang pag-atake laban sa kaniya, kaya hindi nila maunawaan kung saan nagmula ang pag-atake na nagdulot sa mabilis nitong pagkamatay. Sa pagkakataong ito ay sabay-sabay na bumaba ang mga lalaki sa kanilang mga kabayo, habang nanatali naman ang isa nilang kasama sa dala nilang bagon. At kasunod nito ay agad na silang naghanda upang makipaglaban. Natigilan naman sa pagtakbo ang mga tao at kalaunan ay napatitig sa nagaganap na pangyayari sa pagitan ni Rishmond at ng mga naniningil sa kanila nang mataas na buwis.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon