Kabanata I - IV: Ang prinsesa at ang bayan ng Eschuta II

1.4K 93 11
                                    

Ika-labing anim ng marso, taong anim na daan at walumput siyam, bagong kalendaryo. Kasalukuyang nasa mayamang bayan ng Eschuta sina Lyze at Sophia na nasasakupan ng bansang Tarnheim. Sa ngayon ay kasalukuyan silang kumakain sa isang kainan.

"Ako lang ba o talagang kanina pa tayo pinagtitinginan dito?" Tanong ni Lyze.

"Wag po kayong mabahala, dahil mukhang kay Vladimir sila nakatingin." Tugon ni Sophia.

"Talaga? *Hmm.. Siguro ay dahil sa kakaibang klaseng ibon siya." Sambit muli ni Lyze.

"Mukhang ganon na nga po." Sambit muli ni Sophia.

Ipinagpatuloy lang nina Lyze ang kanilang pagkain, subalit ilang sandali pa ay may isang lalaki ang lumapit sa kanila at kalaunan ay nagsalita.

"Mawalang galang na, pero pagmamay-ari nyo ba ang ibong ito?" Tanong ng isang lalaki.

Agad napalingon sina Lyze sa lalaki at kalaunan ay tumugon.

"Opo.." Tugon ni Lyze.

"Kung ganon ay magkano nyo binibenta ang inyong Raven?" Tanong muli ng lalaki.

Sa mga sandaling ito ay agad nagkatinginan sina Lyze at Sophia.

"Raven po? Nagkakamali po kayo, Vladimir po ang pangalan niya." Sambit muli ni Lyze.

"Sa tingin ko po ay 'yun ang tawag sa uri ni Vladimir, pri.. Lyze." Sambit ni Sophia.

"Tama ang magandang binibining kasama mo. Raven ang tawag sa uri ng ibon na 'yan at matatalino sila at bibihira lang ang kanilang uri sa ating kontente." Sambit muli ng lalaki.

"Talaga? Pero paumanhin po dahil wala po kaming balak ibenta si Vladimir. Isa pa po ay kusa lang siyang sumama sa'min." Sambit muli ni Lyze.

"Handa pa naman akong magbayad ng malaking halaga, dahil bibihira lang ang ganitong klase ng ibon at mukhang naturuan na siya nang maayos." Sambit muli ng lalaki.

"Pasenya na po talaga, pero hindi po talaga namin siya pwedeng ibenta." Sambit muli ni Lyze.

"Kung hindi ko na kayo mapipilit ay magpapaalam na ako, pero kung magbago ang inyong isipan ay maaari nyo lang akong ipagtanong dito. Ang pangalan ko nga pala ay Ba'ek." Sambit muli ng lalaki.

Napatango na lang sina Lyze at ilang sandali pa nagbalik na sa kaniyang lamesa ang lalaki. Sa pagkakataong ito ay ipinagpatuloy na nina Lyze ang kanilang pagkain, hanggang sa tuluyan na silang matapos. Nag-iwan ng ilang pilak si Sophia sa lamesa at kalaunan ay lumabas na sila nang kainan. Samantala, ilang kalalakihan ang mabilis na lumapit sa lalaking kumausap kanina kina Lyze. Ngunit nagtagal lang ito ng ilang mga sandali, dahil mabilis na ring lumabas ang mga ito.

Sa mga sandaling ito ay agad nagtungo sina Lyze sa lugar kung saan maraming tindahan, binabalak kasi nilang mamili ng ilang mga damit at gamit para sa kanilang mahabang paglalakbay pabalik sa kanilang bansa.

Ilang mga minuto pa ang lumipas ay narating na nila ang nasabing lugar. Agad silang nag-ikot-ikot sa paligid at naghanap ng maaari nilang mabili, mula sa salaping nagmula kay Vladimir. Halos may ilang minuto rin silang nagpaikot-ikot at sa bawat sandaling lumilipas ay may napapansin si Lyze sa ikinikilos ni Vladimir na kanina pa nakadapo sa kaniyang kanang balikat. Kanina pa kasi ito palingap-lingap sa paligid at tila hindi mapakali. Tila hindi naman ito pinansin ni Sophia, ngunit bahayang mapapansin ang seryong ekspresyon sa kaniyang mukha.

Samantala, kasalukuyan ring nasa kaparehong lugar si Crow. Pansamantala niyang iniwan ang kaniyang alagang kabayo at bagon sa bahay paupahan na tinutuluyan niya ngayon. At sa ngayon ay nasa bandang dulo siya nang pamilihan at dito nakapwesto ang mga "Slaves trader" na kasalukuyang nagsusubasta sa kanilang mga tinatawag na produkto, mga alipin. Wala naman balak bumili ng kahit na ano si Crow, subalit minabuti niyang sumilip sa kasalukuyang nangyayari sa bentahan ng mga alipin.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon