Prologue

8K 219 35
                                    

Hezan, isa sa pinakamalaking kontinente at nahahati ito sa siyam na mga bansa; ang Arkaine, Iros, Wizendra, Lenyms, Mainald, Tarnheim, Kastland, Basanti at Neptis. Maliban sa Basanti ay may kinikilalang mga diyos ang bawat bansa at dahil sa kanilang mga paniniwala at relihiyon ay hindi matapos-tapos ang kanilang mga hidwaan.

Ang Arkaine, Iros, Lenyms at Wizendra ay magkaka-alyansang bansa, dahil iisa lang ang pinaniniwalaan nilang diyos, si Wizen. Ang Wizendra ang sentro ng kanilang alyansa, dahil ayon sa kanilang kasaysayan, ang bansang: Arkaine, Iros at Lenyms ay pangalan ng mga katuwang ni Wizen sa kaniyang pamumuno, higit dalawang libo at limang daang taon na ang nakakalipas. Sa katunayan ay dating iisang bansa lang ang apat na bansang ito, ngunit ng mamatay si Wizen ay minabuti ng apat niyang katuwang na bumuo ng kani-kanilang mga bansa, kaya nahati sa apat ang kanilang bansa.

Ang bansang Mainald, Tarnheim at Kastland naman ay halos iisa din ang kinikilala nilang diyos at paniniwala. At dahil iisa lang din ang kanilang pangunahing kalaban ay minabuti nilang bumuo na ng alyansa sa pagitan nilang tatlo. Halos may ilang daang taon na rin silang magkaka-alyansa at sa pangunguna ng Tarnheim ay nagagawa nilang manalo sa mga digmaan. Subalit nitong mga nakalipas na taon ay ilang mga bayan na ang nasakop sa kanilang bansa at pati na rin sa ka-alyansa nilang bansa. At dahil sa mga nakaraang kabiguan at pagkatalo ay mas pinatibay nila ang kanilang dipensa. Humingi na rin sila ng tulong sa mga kapanalig nilang bansa, dahil magiging isang malaking krisis kung hindi nila mapipigilan ang mga paparating na hukbo ng mga kalabang bansa.

Ang bansang Neptis ay isang maliit na bansa, dahil halos nakubkob na ng katabi nilang bansa, ang Kastland, ang lahat ng kanilang nasasakupan. Tanging ang kanilang imperyo na lang ang hindi pa napapasok, dahil nasa dulo ito ng kontinente at napapalibutan ng makikitid na mga bundok. Taliwas ang paniniwala ng mga mamamayan ng Neptis, dahil isang nag-aapoy na ibon ang kanilang kinikilalang Diyos, ang Phoenix na si Neptis. Subalit hindi naman na sila banta sa alyansa ng tatlong malalaking bansa, dahil may ilang daang taon na rin itong tahimik.

Ang bansang Basanti naman ay bukas sa lahat ng bansa, dahil wala silang pinaniniwalaan mga panginoon. Ito rin ang pinaka-maliit na bansa sa kontinente ng Hezan, dahil isa lang itong malaking bayan na nasasakupan ng bansang Lenyms sa nakaraan. Matatagpuan ang bansang ito sa pagitan ng hangganan ng mga bansang: Lenyms, Iros, Mainald at Tarnheim. Subalit gayumpaman ay hindi ito sinasakop ng mga magkakalabang bansa, dahil sa isang dahilan, ang mga mangangalakal na nagmula pa sa katabi nilang kontente. At kung bakit maraming mangangalakal dito ay dahil na rin sa malaking ilog na kontektado sa dagat, na siyang nagdala sa mga barko ng mga mangangalakal sa naturang bansa.

Naging isang malayang bansa ang Basanti, matapos mapatay ng mga hinihinalang bandito ang buong pamilya ng dating namumuno, habang pabalik sila sa kanilang bayan. Halos walang alam ang mga katabing bansa sa pangyayaring ito, dahil kasalukuyan silang nakatuon sa pakikidigma. Nagkataon naman na nandito ang mga namumuno sa bawat samahan ng mga mangangalakal, isang "Guild", para sa isang pagpupulong. Kinuha nila ang oportunidad na ito upang subukang pamahalaan ang mga tao na kalaunan ay kanilang napagtagumpayan, dahil na rin sa angkin nilang talino at abilidad.

Nagawa nilang maisalba sa pagkagutom ang mga nasasakupan ng Basanti at dahil mas mahalaga sa kanila ang salapi at kanilang mga buhay ay napagdisisyonan nilang walang uupo sa trono, upang sa gayon ay hindi sila salakayin ng mga katabing bansa. Ngunit nang makarating sa mga katabi nilang bansa ang balita tungkol sa pagkamatay ng pamilya ng namumuno sa nasabing bansa ay mabilis na silang naghanda ng sandatahan, upang maunahan sa pagsakop ang kanilang mga kalaban. Subalit may nakahanda na palang plano ang mga pinuno ng bawat samahan ng mga mangangalakal at nagpadala na sila ng liham sa bawat bansa, sa pamamamagitan ng isang lawin. Dahil sa liham na ito ay nagkaroon ng isang pagpupulong ang bawat pinuno ng mga bansa, kasama ang mga pinuno ng bawat samahan ng mga mangangalakal, sa loob mismo ng Basanti. Dito ay nabuo ang pinaka-unang naging kasunduan ng magkakalabang bansa at ito ay ang hindi pagkubkob sa naturang bansa, dahil ito ang magiging pangunahin nilang pagkukunan ng pagkain, sandata, sandatahan at iba pang mga produkto na makikita lang sa mga katabing kontinente. Nang mga panahong 'yon at hanggang sa ngayon ay nananatiling tahimik at mapayapang namumuhay ang mga mamamaya ng Basanti. At halos pinapangarap ng iba na dito manirahan, dahil ito ang masasabing pinaka-ligtas na lugar.

Sa katunayan ay may ika-sampo pang bansa at ito ay ang bansang Krintiz. Subalit pinaniniwalaan may higit dalawang libo at limang daang taon na itong naglaho at mababasa na lang sa mga naiwang kasulatan ang tungkol sa kanila. Maraming nagsasabi na pinarusahan ng kanilang mga diyos ang nasabing bansa, dahil matapos tamaan ng epidemya ang bawat lungsod na nasasakupan nito ay biglang naglaho ang mga mamamayan nito sa isang gabi lang. Hanggang sa ngayon ay nananatili pa ring patay ang lupa kung saan matatagpuan ang Krintiz. Wala ditong tumutubong halaman o kaya ay mapagkukunan ng tubig. Tanging mga sirang kabahayan lang ang makikita dito at mga buhangin. Marami na ring nagtangka na buhayin ang nasabing bansa, subalit bigo sila dahil na rin sa kundisyon ng lupa doon. Gayumpaman ay nananatiling misteryo ang biglaang pagkasira ng Krintiz at sa pagkawala ng mga naninirahan sa bawat nasasakupan nito. Tanging ang mga diyos lang ang makakapagsabi kung ano ang tunay na nangyari sa bansang 'yon.

Halos may ilang daang taon na ring walang tigil ang digmaan sa pagitan ng dalawang magka-alyansang mga bansa. Ngunit may ilang mga bayan at tribo ang nananatiling walang pinapanigan, dahil ang ilan sa kanila ay nasa pagitan ng bawat hangganan ng mga bansa o kaya naman ay walang kinikilalang mga diyos. Isa na nga dito ang bansang Basanti.

Sa patuloy ng walang humpay na digmaan ay mabilis nauubos ang kanilang mga pagkain, kagamitan at sandatahang lakas. Mabuti na lang at maraming mga mangangalakal ang nagtutungo sa Hezan at nagmula pa sila sa ibang mga kontinente. Tanggap naman sila ng bawat bansa kahit iba ang mga paniniwala nito sa kanila, dahil na rin sa pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.

Samantala, isang malaking oportunidad ang nakikita ng mga mangangalakal sa Hezan, dahil batid nilang marami silang kikitain ditong salapi. Batid din kasi nilang nagkukulang na ang bawat bansa sa kanilang mga pangunahing pangangailangan, tulad ng mga pagkain at kagamitan. At batid din nilang mahal ang bentahan ng mga produkto dito, dahil nagkukulang na ang mga ito. Subalit batid din nila ang panganib ng kanilang pagpunta sa Hezan, ngunit salamat sa mga mersinaryo. Dahil sa kanila ay napapanatag ang kanilang mga kalooban, laban sa mga bandido. Bukod sa mga mangangalakal ay marami ring mga nagtatanghal ang nagtutungo sa Hezan at ginagawa nila ito dahil na rin sa nakikita nilang opotunidad na kumita ng salapi.

Marami ang uri ng mga mangangalakal at ang karamihan dito ay mga taga ibang kontenente. Madali naman silang matukoy, dahil na rin sa kanilang mga itsura na kaiba sa mga taong nakatira o isinilang sa bansang makikita sa kontenente ng Hezan. At dahil sa paglago ng relasyon ng mga dayong mangangalakal sa bawat bansa ay hinayaan sila nang mga ito na magtayo ng kanilang mga tindahan sa bawat bayan na naisin nila. Pinayagan din sila na magtayo ng mga tanggapan na makikita lang sa bansang Basanti, kung saan nabuo ang maganda nilang relasyon sa bawat bansa. Dahil dito ay napalawig nila ang kanilang negosyo at mas napaunlad ang kanilang komonikasyon sa kapwa nila mangangalakal. Ngunit may isang uri ng mangangalakal ang hindi sakop ng kanilang samahan o ang tinatawag nilang "Merchant's Guild". At ang tawag sa mangangalakal na ito ay "Uwak na mangangalakal". Pinaniniwalaang may apat na daang taon ng nagsimula ang uri ng mangangalakal na ito. At kung bakit ito tinawag na "uwak" ay dahil nagtutungo ito sa lugar kung saan may nagaganap na mga digmaan. At dito sila namumulot ng mga sandata sa mga namatay na sundalo, kawal o mandirigma. Labis na mapanganib gawin ang bagay na ito, subalit dahil sa unang kinilalang uwak na mangangalakal ay dumami ang naglakas ng loob na gawin din ang bagay na ito. Malaki kasi ang salapi na maaari nilang kitain sa oras na sila ay makabalik at maibenta ang kanilang mga nakuha o napulot na sandata. Gayumpaman ay halos iilan lang ang nakabalik ng buhay sa kanilang mga pamilya at ang ilan sa kanila ay halos walang nakuhang sandata at tanging karimlan lang ang naransahan sa ginawa nilang disisyon. Dahil sa pangyayaring ito ay halos bibihira lang ang mga uwak na mangangalakal at posibleng mabibilang lang sila ngayon sa bawat daliri ng ating mga kamay.




The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon