Kabanata III - LXXVI: Sa pagkamit ng inaasam na hustisya II

532 33 3
                                    

6/22/19

Isang pagkatok ang narinig ni Cornella sa pinto ng kaniyang silid. Hindi niya ito pinansin hanggang sa ang kasama nitong babae ang kusa nang nagbukas ng pinto.

"Maligayang pagbabalik, Ryura." Sambit ng babae.

"Bakit ang tagal mo naman? Ganon ba kahirap para sa'yo ang bihagin ang mga taong 'yon?" Sambit ni Cornella.

"*Fufufu... Masama bang panoorin ang nangyari sa Garette?" Tugon ni Ryura.

Agad napatayo sa kaniyang kina-uupuan si Cornella at nakanguso itong tumitig kay Ryura.

"*Tch! Kung ganon ay bumagsak na ang Garette at hindi ka man lang bumalik dito para isama akong manood?!" Sambit muli ni Cornella.

"*Hahahaha! Nakakatuwa talaga ang taong ito, Ryura! At ang nakakatawa pa dito ay ang nagawa ka niyang mai-kulong gamit ang immunity stone. *Hahaha!" Sambit muli ng babae.

Agad napa-hawak sa magkabila niyang braso si Cornella at makikita sa mukha nito ang pagmamataas.

"*Fufufu... Wag mo akong maliitin, Argos! Kahit ikaw ay kaya kong pasunurin sa'kin, kaya wag mo akong susubukan!" Sambit muli ni Cornella.

Kasabay ng kaniyang malakas na pagtawa ang paghampas niya nang malakas sa likuran ni Ryura, dahilan upang bumagsak ito sa sahig.

"Gusto ko talaga ang batang ito, Ryura! *Hahahaha!" Sambit muli ni Argos.

Napa-iling na lang si Ryura habang marahang bumangon suot ang isang ngiti.

"Ang mabuti pa ay tayo na, naghihintay na sila sa paborito mong silid." Sambit muli ni Ryura.

"*Ahh! Kung ganon ay magpapaiwan na lang ako dito, alam mo namang hindi ako mahilig sa pagpaparusa." Sambit muli ni Argos.

"*Fufufu... Kung ganon ay dumating na ang oras na matagal ko nang hinihintay." Sambit muli Cornella.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang dalawa sa silid, habang si Argos naman ay nanatili sa loob upang ipagpatuloy ang kaniyang pagbabasa.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating sila sa isang madilim at maruming silid. Sa loob nito ay ilang mga tao ang makikitang nakagapos ang bawat braso at mga binti sa kanilang kina-u-upuan, habang nakapiring ang kanilang mga mata at nakabusal ang kanilang mga bibig. Tatlong lalaki at dalawang babae. Ang isa sa mga lalaki ay tinatayang nasa walo hanggang siyam na taong gulang ang edad. Ang isa naman ay naka-suot ng magarang baluti na tila hindi naman naayon sa kaniyang pangangatawan. At ang huling lalaki naman ay masasabing isang malakas na lalaki, base na rin sa matipuno nitong pangangatawan at sa magara rin nitong suot na baluti. Ang dalawang babae naman ay halos hindi mapapantayan ang kagandahan, lalo na ang nakababata na tinatayang nasa edad dalampu pababa. At ang huling babae naman ay mukhang ang ina nito, dahil hindi nagkakalayo ang kanilang hitsura.

"*Fufufu... Kung ganon ay nagkita na rin tayo sa wakas, Dolan Garse." Sambit ni Cornella.

Matapos magsalita ay mabilis na nilapitan ni Cornella ang isa sa mga lalaki at kalaunan ay inalis ang piring at busal nito sa bibig.

Agad nagmasid ang lalaki at kalaunan ay napansin ang kaniyang mga kasama. At tulad niya ay nakagapos din ang mga ito sa kani-kanilang kina-u-upuan.

"Sino kayo?! Kung sino man ang nag-utos sa inyo nito ay kaya kong higitan ang ibinayad nila! Malaking kayaman ang itinago ko at tangin ako lang ang nakakaalam nito." Sambit ng lalaki.

"*Hmm..." Sambit muli ni Cornella.

Pero sa ibang bagay nakatuon ang kaniyang atensyon at kasalukuyan niya ngayong sinusuri ang mga kagamitang makikita sa lamesa.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon