Kabanata III - LXXXVI: Hindi inaasahang bagahe

91 18 5
                                    

9/10/21

Kinabukasan, maagang nagpaalam sina Asheara kina Gohn at sa kabiyak nito. At kahit batid na ni Nima ang kanilang pagkatao at pati na rin ang kanilang pag-alis ay nakakapagtaka na hindi ito nagpakita sa kanila upang mag paalam. Gayumpaman ay pabor ito sa kanila, dahil iniiwasan nilang mangyari ang nangyari kahapon.

Walang pag-aaksaya ay mabilis umalis sina Asheara at agad nagtungo sa daungan ng mga barko. At tinatayang higit isang oras ay narating na nila ito at kalaunan ay nakasakay. Tahimik silang naghintay sa loob hanggang sa tuluyan ng makasakay ang mga pasehero nito, na tulad nila ay mga mangangalakal din. Halos lahat sa kanila ay natapos na din ang araw na napagkasunduan pananatili at ang ilan naman sa kanila ay nagpasiya na ring bumalik, kahit ilang araw pa lang silang nanatili sa loob ng bansa.

Tinatayang hapon na ng magsimulang umusad ang kanilang barko at sa mga sandaling ito ay tuluyan ng nakahinga na maluwag si Asheara.

"*Sigh... Ang akala ko talaga ay magpapakita dito si Nima." Sambit ni Asheara.

"'Yun din nga po ang iniisip ko, master. Nakakapagtakang matapos niyang malaman ang tunay nating pagkatao ay hindi na lang siya napagkita sa'tin ngayon." Sambit ni Vladimir.

"Sa totoo lang ay hindi ko rin inaasahan ang takbo ng araw na ito para sa'tin. Naghanda pa naman ako ng mga dahilan para ipaliwanag sa kaniya. Pero mukhang naunawaan na niya agad ang tunay nating pakay, kaya minabuti niyang wag na sa'ting magpakita." Sambit muli ni Asheara.

"Mukhang ganon na nga po master." Sambit muli ni Vladimir.

"Saang bansa naman ang punta natin ngayon?" Tanong ng isang babae.

"*Hmm... Siguro ay babalik muna kami sa Nargh, upang mangalap pa... ng impormasyon?" Sambit muli ni Asheara.

Mabilis nagbago ang tono ni Asheara matapos mapansin na ang boses na kaniyang narinig ay hindi nagmula kay Vladimir. Halos ganito din si Vladimir at kalaunan ay lumingon sa lugar kung saan ito nagmula.

Sa mga sandaling ito ay saglit na natahimik sina Asheara at kalaunan ay mapabuntong hininga matapos makita si Nima sa loob ka nilang bagon.

"Mukhang nasagot na ngayon ang ating pagtataka, master." Sambit ni Vladmir.

"*Tch!" Sambit ni Asheara.

Walang pag-aaksaya ay mabilis bumaba sa loob ng bagon si Nima at kalaunan ay agad lumapit sa dalawa.

"Hindi pa naman nakakalayo ang barko, kaya maaari pa kitang ibalik." Sambit muli ni Asheara.

"*Eh?!" Sambit ni Nima.

Ngunit matapos niyang magsalita ay mabilis siyang lumutang sa ere, dahilan upang hindi niya makontrol ang kaniyang katawan.

"*Eh?! *Eeeeeee! Lumulutang ako! *Ahhh!" Sambit muli ni Nima.

"Tama at ibabalik na kita sa inyo." Sambit muli ni Asheara.

"*Eh?! Sa...sandali lang! Wa...wag! Ayoko nang bumalik pa! Gusto kong sumama sa inyo at maglakbay! *Huhuhu!" Sambit muli ni Nima.

"Sa tingin mo ba ay gusto kong mag-alaga ng isang bata?" Sambit muli ni Asheara.

"Bata?! Hindi na ako isang bata! Isa pa ay mas matanda ako sa'yo!" Sambit muli ni Nima.

"*Pfff!" Sambit ni Vladimir.

Agad napalingon si Asheara kay Vladimir suot ang seryosong ekspresyon. Agad naman iniwas ni Vladimir ang kaniyang tingin upang hindi magsalubong ang kanilang mga mata.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon