Kabanata II - LXIV: Labanan sa pagitan ng mga hindi inaasahang kalaban

756 56 39
                                    

11/17/18

Sa isang silid, isang binata ang kasalukuyan ngayon hindi makapaniwala matapos niyang magising. Halos hindi maipinta ang kaniyang mukha at kahit walang nararamdamang sakit ay isang malakas na pagtangis ang kaniyang ginawa.

Kasunod ng kaniyang malakas na pagtangis ay agad nagbukas ang pinto ng kaniyang silid at kasunod nito ay ilang mga tao ang mabilis na pumasok.

"Edmond!" Sigaw ni Rhena.

Mabilis na nilapitan ni Rhena si Edmond at kalaunan ay agad inalam ang kalagayan nito. Ngunit agad siyang napangiti matapos makitang mabuti lang ito.

"Mabuti naman at gising ka na, Edmond..." Sambit muli ni Rhena.

Hindi tumugon si Edmond at nanatili lang nakayuko at nakahawak sa kaniyang putol na braso.

"Halos limang araw kanang hindi nagigising, hindi mo na tuloy naabutan pa si ginoong Crow." Sambit ni Euma.

Agad napalingon si Edmond kay Euma, subalit hindi naman ito nagtagal at muli siyang napayuko.

"Wag mo nang isipin pa ang nangyari sa'yo. Ang mahalaga ay buhay ka at nasa maayos nang kalagayan. Ang mabuti pa ay magpalakas ka na, upang maipaghiganti na natin si Cello." Sambit ni Yura.

Saglit na natahimik ang lahat matapos marinig si Yura at mababakas ngayon mula kay Ritz ang labis na galit.

"Cello..." Sambit ni Ritz.

"Ang mabuti pa ay iwan muna natin siya, natitiyak kong hindi pa niya kayang tanggapin ang mga nangyari. Lalo na ngayon na wala na ang kaniyang kanang braso na kaniyang gamit sa pakikipaglaban." Sambit ni Orma.

Napahigpit na lang sa kaniyang pagkakahawak si Edmond sa kaniyang naputol na braso matapos marinig ang sinabi ni Orma. Dahil din dito ay muling natahimik ang lahat at kalaunan ay isa-isa na silang lumabas sa silid.

"Nauunawaan ko ang nararamdaman mo, pero ang mahalaga ay buhay ka. Lagi mo lang tatandaan na nandito kami para sa'yo." Sambit muli ni Rhena.

Matapos magsalita ay nagpaalam na rin si Rhena. Sa pagkakataong ito ay napatingin na lang si Edmond sa labas ng binta suot ang magkalong galit at paghihinagpis.

Sa labas, agad nakita nina Euma, Eddga, Aleah at Aima sina Rhena na naglalakad patungo sa dereksyon kung nasaan sila. Dala na rin ng kanilang pag-aalala para sa kanilang kaibigan ay agad nila itong nilapitan upang alamin ang kalagayan nito.

"Kamusta na si Edmond?" Tanong ni Aleah.

"Gising na siya, pero tulad ng inaasahan nating lahat..." Sambit ni Yura.

Saglit na natahimik ang lahat at kalaunan ay isa-isa na silang napabuntong hininga.

"*Tch! Sa totoo lang ay kung hindi kami naging kampante ay hindi aabutin ni Cello at Edmond ang bagay na ito." Sambit ni Orma.

"Hindi nyo kasalanan ang lahat. Hindi nyo rin batid ang pagdating ng iba pang kalaban. Sa katunayan ay kung hindi dumating si Crow nung napapaligiran na kami ay posibleng wala na kami ngayon dito." Sambit ni Rhena.

"Mabuti na lang talaga at dumating na ang mensahe ni master Chalan, dahil kung hindi ay hindi matutukoy ni ginoong Crow kung nasaan kayo." Sambit ni Eddga.

"Ginoong Crow... Labis na mahiwag ang kaniyang pagkatao at kahit ako ay nagulat matapos na lang niyang lumabas mula sa hangin, tulad ng babaeng 'yon, kasama ni Ziek." Sambit ni Aima.

"*Uhm! Isama mo pa ang taglay niyang kapangyarihan." Sambit ni Kairem.

"Pero ang mas nakakagulat dito ay kung papaano siya kausapin nina panginoong Reina. At ayon kay lola ay tinatayang nasa higit sa ilang daang taon na siya." Sambit muli ni Aleah.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon