Kabanata III - LXXXII: Ang panday na guro

900 43 33
                                    

5/1/2020

Sa isang kagubatan na nasasakupan sa bandang norte ng bansang Nargh. Pansamantalang tumigil sa kagubatang ito sina Ryura sa kahilingan na rin ni Cornella. Nagtataka man ay pinagbigyan nito ang isa pa nitong kahilingan na muling makausap si Argos.

"Magtutungo muna ako sa bayan upang mangalap ng impormasyon." Sambit ni Ryura.

"*Uhm! Tumingin ka na rin ng mga sandata na maaari nating ibenta para makapasok tayo sa Hilmna." Tugon ni Cornella.

Napatango na lang si Ryura at kasunod nito ay isang itim na liwanag ang mabilis nalikha sa kaniyang likuran. Mabilis din itong naglaho matapos niyang makapasok dito.

Sa pagkakataong ito ay tila nakahinga na nang malalim si Cornella na agad namang napansin ni Argos.

"Ano ang dahilan sa pagtawag mo sa'kin?" Tanong ni Argos.

Hindi kaagad tumugon si Cornella at bakas sa mukha nito ngayon ang labis na pagkaseryoso.

"May problema ka ba?" Tanong muli ni Argos.

"*Uhm! Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa'kin sa pagkakataong ito." Sambit muli ni Cornella.

"Kung ganon ay hindi pa ito batid ni Ryura?" Sambit ni Argos.

Saglit na natahimik si Cornella at mababakas ngayon sa kaniyang mukha ang labis na pagkagulat.

"*Hmm... Kung ganon ay hindi pa nga niya alam na nagdadalang tao ka." Sambit muli ni Argos.

Napabuntong hininga na lang si Cornella, ngunit mabilis nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Batid mong makakasagabal ang batang ito sa kaniyang paghihiganti, kaya nais kong tulungan mo akong mawala ito sa'king sinapupunan." Sambit muli ni Cornella.

"Sigurado ka na ba sa bagay na 'yan?" Tanonng muli ni Argos.

"*Uhm! Higit sa lahat ay ako ang mas nakakaunawa sa kagustuhan nyong makapaghiganti, kaya sagabal ang batang ito sa kaniyang hangarin." Sambit muli ni Cornella.

Napabuntong hininga na lang si Argos, dahil batid niyang totoo ang mga sinabi ni Cornella.

"Nauunawaan ko, kung ganon ay simulan na natin." Sambit muli ni Argos.

***

Kinabukasan, maagang ginising sina Asheara ni Nima. Napa-iling na lang si Asheara dahil batid na niya na mangyayari ang bagay na ito.

"Matapos nating kumain ng almusal ay ipapakilala ko kayo sa'kin guro." Sambit ni Nima.

"*Uhm! Nasasabik na rin kaming makilala ang iyong guro." Tugon ni Asheara.

"Natitiyak kong magugulat si guro sa oras na malaman niyang isa kang natatanging Levian." Sambit muli ni Nima.

Napangiti na lang sina Asheara at kasunod nito ay ang kanilang pag-ayos sa kanilang mga sarili. Hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas ay sabay-sabay na silang nagtungo sa hapagkainan upang dito ay mag-almusal.

Habang kumakain ay saglit na nag-usap sina Asheara at ang pamilya Vorstin. At patungkol ito sa kanilang naging paglalakbay patungo dito.

Nagawa namang mailarawan ni Asheara ang kanilang paglalakbay sa kwentong komportable siyang ibahagi. Gayumpaman ay binubuo ng kasinungalingan ang buong kwento na kaniyang ibinabahagi.

Makalipas ang isang oras ay nagpasya na silang magtungo sa guro ni Nima. Ngunit tinatayang may kalahating oras na ay hindi pa rin nila nararating ang tahanan nito. Nakalagpas na rin sila sa mga pamilihan, kung saan makikita ang mga tindahan ng mga sandata, kalasag at mga baluti.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon