Kabanata III - LXXXVII: Ang panday na manlalakbay at ang kaniyang mag-aaral

125 24 8
                                    

9/10/21

Dalawang linggo ang mabilis lumipas at sa mga sandaling ito ay nasa lupain na ng Nargh sina Asheara. Naging mahaba din ang kanilang paglalakbay at dahil na rin kay Nima ay mas tumagal sila sa mga bayan na kanilang dinaanan. Gayumpaman ay mas naging masaya ang kanilang paglalakbay, hindi tulad ng nakasanayan nina Asheara at Vladimir na tahimik at mabilis na paglalakbay. Halos bago din para kay Asheara ang ganitong ganitong klaseng pakiramdam at hanggang sa mga sandaling ito ay hindi niya napapansin na may nagbabago na sa kaniyang pagkatao.

"Saang bayan naman tayo ngayon pupunta?" Tanong ni Nima.

"*Hmm... Base sa mapa, ang pinakamalapit na bayan dito ay ang Yarbal." Sambit ni Vladimir.

"Whoa! Hindi ba't ang bayang 'yon ay puno ng mga mersinaryo?" Tanong muli ni Nima.

"Ayon sa mga narinig ko ay tama ka." Sambit muli ni Vladimir.

"*Hmm... Kung ganon ay mahihirapan pala tayong magbenta ng dala nyong mga produkto don." Sambit muli ni Nima.

"At bakit mo naman nasabi ang bagay na 'yan?" Tanong ni Asheara.

"Dahil puno ng mersinaryo ang bayang 'yon ay ang pangunahin nilang pangangailangan ay mga gamitan para sa kanilang trabaho. Sandata, baluti, kalasag at iba pang mga kagamitan na makakatulong sa kanilang pakikipaglaban. At sa tingin ko ay mas kailangan nilang pagtuonan ng salapi ang mga kagamitan, kumpara sa dala na'ting mga mamahaling pampalasa." Sambit muli ni Nima.

"*Fufufu... Sino namang nagsabi sa'yo na mga mersinaryo ang bebentahan na'tin?" Sambit muli ni Asheara.

"*Whe? Hindi ba't puro tindahan ng mga armas at baluti lang ang tindahan na makikita sa Yarbal?" Sambit muli ni Nima.

"*Fufu... Hindi porket marami kang nabasa patungkol sa mga bayan ay ibig sabihin nito ay alam mo na ang lahat. At bilang isang mangangalakal, dapat alam mo kung sino o saan mo ibebenta ang mga dala mong produkto." Sambit muli ni Asheara.

Hindi na nagsalita pa si Nima at pinagmasdan na lang niya si Asheara na tila ba isang diyos.

"Sa tingin ko ay aabutin ng isang buong araw na paglalakbay para lang makarating tayo sa Yarball, master. Mas makakabuti kung magpapahinga na tayo ngayon at ipagpatuloy ang ating paglalakbay mamayang gabi." Sambit muli ni Vladimir.

Isa sa mga natutunan ni Nima kina Asheara ay ang paglalakbay sa gabi. Napatunayan niyang mas ligtas na maglakbay sa gabi, kumpara sa araw dahil sa malamig nitong panahon. Halos wala na ring bandido o masasamang loob silang nakakaharap at ang mga mababangis namang hayop ay kusa ng umiiwas sa kanila. Isa pa ay ang gamit nilang kabayo na sanay nang bumyahe sa gabi, marahil ay nasanay na ito sa paulit-ulit na pangyayari.

"Nauunawaan ko. Kung ganon ay huminto muna tayo sa tabi ng ilog at doon na magpahinga." Sambit muli ni Asheara.

"Masusunod po." Sambit muli ni Vladimir.

Tinatayang may ilang oras din ang kanilang nilakbay upang makahanap ng magandang pwesto upang sila ay makapagpahinga. At sa pagkakataong ito ay hindi sila nag-iisa, dahil may isang bagon na nauna sa kanila dito.

"*Oh! Patungo din ba kayo sa Yarbal?" Sambit ng isang matandang lalaki.

"Magandang araw, tama po kayo. Patungo kami sa Yarbal." Tugon ni Vladimir.

"*Hoho! Kayo ba ay mga mangangalakal?" Tanong muli ng matandang lalaki.

"Ganon na nga po, kayo po?" Sambit muli ni Vladimir.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon