Kabanata I - XXXIII: Patimpalak IV

893 68 9
                                    

3/31/17

Mabilis na na-ayos nina Lyze ang kanilang mga gamit at kasunod nito ay ang mabilis nilang pagbaba. At tulad ng kanilang inaasahan ay paalis na si Crow, kaya agad na silang kumilos at mabilis na nilang isina-ayos ang kanilang mga kagamitan.

Halos ilang minuto lang ang lumipas ay nagsimula na silang umusad at tulad ng dati ay kay Crow pa rin nakasakay si Lyze. Hindi naman ito mapakali at panay siya lingon sa kanilang likuran, umaasa na makikita pa rin niya sina Dyanna. Napansin naman ito ni Sophia at kahit nanghihinayang siya dahil na rin sa bagong nakilalang kaibigan, kinakailangan pa rin nilang umalis. Subalit ilang sandali pa ay nagtaka na si Sophia, dahil taliwas sa daan papalabas sa bayan ang kanilang dinadaanan. At batid niyang bawal magtungo sa dereksyong tinatahak nila, dahil patungo na sila sa mataas at mahabang pader na nagsisilbing harang sa kalabang bansa.

"Hoy Crow! Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ni Sophia.

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yong aalis na tayo dito." Tugon ni Crow.

"Pero hindi naman tayo makakaraan sa pader..." Sambit muli ni Sophia.

Hindi na nagawang matapos ni Sophia ang kaniyang sasabihin, dahil may bagay siyang napagtanto na agad niyang sinambit.

"Teka!Wag mong sabihin, binabalak mong wasakin ang pader?" Tanong muli ni Sophia.

"Dipende 'yan sa kanila." Sambit muli ni Crow.

Sa pagkakataong ito ay natahimik na si Sophia, habang si Lyze ay pasalit-salit ang tingin sa dalawa.

"Sandali lang, ano ba ang nangyayari?" Tanong ni Lyze.

Walang tumugon kay Lyze na agad ikinainis nito, subalit mabilis itong mabura matapos makita ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Sophia.

"Ngayon lang nangyari ang bagay na ito. Bakit kaya labis na nagmamadali si Crow? May nangyari ba?" Tanong ni Sophia derekta sa kaniyang isipan.

Samantala, kasalukuyan na ngayong ipinagpapatuloy ang naputol na pag-uusap nina Rajdio at ang kaniyang heneral sa isang silid. At hindi makapaniwala si Rajdio sa kaniyang mga narinig.

"Imposible po ang mga bagay na sinasabi nyo, heneral."Sambit ni Rajdio.

"Kahit ako ay hindi makapaniwala, pero walang dudang siya ang taong 'yon. Nung una natin siyang nakaharap ay napansin ko na ang kaniyang presensya at tulad ito dun sa lalaking nagligtas sa'min sa nakaraan."Sambit ng heneral.

"Pero hindi po ba't nabanggit nyo na kabilang siya sa Arma Netra, at anong klaseng grupo po ba ito?" Sambit muli ni Rajdio.

Sandaling natahimik ang heneral, hanggang sa ilang sandali pa ay marahan na itong tumayo at kalaunan ay naglakad patungo sa may bintana. Sandali siyang napatingin sa labas, bago siya lumingon kay Rajdio at magsalita.

"Makinig ka Rajdio, mapanganib ang grupo na 'yon at sa oras na matukoy mo na ang kaharap mo ay isang Arma Netra, tumakas ka na."Sambit muli ng heneral.

"Ang ibig nyo po bang sabihin ay imposible ko silang matalo o kaya ay mapaslang?" Tanong muli ni Rajdio.

"Sa kakayahan mo sa ngayon ay oo."Sambit muli ng heneral.

"Kung ganon po ay pag-iigihan ko ang aking pagsasanay." Sambit muli ni Rajdio.

Muli ay sandaling natahimik ang heneral at muling ibinaling ang kaniyang tingin sa labas ng bintana.

"Cockatrice. Isang malaking manok na may buntot ng ahas. Nagbubuga ng isang likido na kayang gawing isang bato ang matamaan, at nagbubuga din ito ng apoy."Sambit muli ng heneral.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon