Kabanata III - LXXIV: Hyon

647 47 4
                                    

5/12/19

Tatlong araw ang mabilis na lumipas at nagawa ng mga ministro at heneral na ilihim ang naganap sa kanilang palasyo. Ngunit sa kanilang pagsisiyasat ay hindi pa rin malinaw para sa kanila kung papaano nakapasok ang dalawang tao na gumawa nito sa kanila.

Sa katunayan ay tanging ang reyna, mga kasamang anak nito at ilang mga kawal at taga pagsilbi lang napaslang sa loob. Lumalabas tuloy na may sabwatang naganap at isang ispiya ang nagpapasok sa dalawa sa loob. Nagresulta ito sa mas malawak pang pagsisiyasat para sa mga kawal at tagapagsilbi sa palasyo. Ngunit bigo silang mahanap ito at kalaunan ay pinaslang ang lahat, kabilang ang mga pamilya nito upang makasigurado na hindi na lalabas pa ang mga naganap sa palasyo.

Samantala, sa mga sandaling ito ay palihim na naglakbay ang hari, kasama ang isa sa kaniyang mga heneral at ilang mga tapat na kawal. At ayon sa kanilang hari ay patungo sila sa isang maliit na nayon para sa kaniyang personal na pakay sa isang tao. At tinatayang higit pitong araw ang kanilang lalakbayin para lang marating ito. Labis mang nagtataka ang lahat sa hakbang ng kanilang hari ay tahimik pa rin silang sumunod.

Hanggang sa walong araw ang lumipas ay tuluyan na nilang narating ang nasabing nayon. Labis na natakot ang mga mamamayan nito, dahil bihira para sa kanilang nayon ang bisitahin ng isang hukbo. Maliban na lang kung may tinutugis ang mga ito.

Agad silang sinalubong ng isang matanda at kalaunan ay nagbigay galang.

"Paumanhin po mga ginoo, ngunit maaari ko po bang malaman ang kanilang pakay sa munti naming nayon?" Sambit ng matandang lalaki.

"At sino ka naman?" Tanong ng isa sa mga kawal.

"Paumanhin po, ako po ang namumuno sa maliit na nayong ito." Sambit muli ng matandang lalaki.

Agad napalingon ang lahat sa kanilang hari suot ang nagtatakang ekspresyon, dahil kahit sila ay hindi alam ang kanilang pakay sa pagpunta dito.

Ngunit ilang sandali pa ay bumaba na sa kaniyang kabayo ang kanilang hari at kalaunan ay marahang naglakad papalapit sa matandang lalaki.

"Patay na iyong anak Hyon, kaya itigil mo na iyong ang pagbabalatkayo." Sambit ng hari.

Saglit na natahimik ang matandang lalaki at bakas ang labis na pagkagulat sa kaniyang mukha.

"*Tch! Kung ganon ay sumunod kayo sa'kin." Sambit muli ng matandang lalaki.

Matapos magsalita ay nagsimula nang malakad ang matandang lalaki. Agad naman siyang sinundan ng hari at kalaunan ay nakarating sila sa isang maliit na tahanan.

Tanging ang hari lang at ang matandang lalaki ang pumasok sa loob, habang ang iba naman ay naiwan sa labas at nagbantay.

Sa loob ay agad naupo ang matandang lalaki at kalaunan ay muling nagsalita.

"Anong ibig mong sabihin, kamahalan?" Tanong ng lalaki.

Subalit sa pagkakataong ito ay tila hindi na ang matandang lalaki ang kausap ng hari at kung pagbabasehan ang kaniyang wangis kanina ay higit na mas bata na ang hitsura nito ngayon.

"Tulad ng inaasahan ko ay walang nagbago sa iyong wangis." Sambit ng hari.

"*Tch! Salamat sa singsing na ito at nagagawa kong maikubli ang tunay kong anyo sa lahat. Pero ano ang sinabi mo kanina, napaslang na ang anak kong si Rai'un?" Sambit muli ng lalaki.

"*Uhm! At tulad ng iniisip mo ay posibleng demi-god din ang pumaslang sa kaniya." Sambit muli ng hari.

Saglit na natahimik ang lalaki, subalit mababakas sa kaniyang mukha ang galit.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon