Kabanata III - LXX: Ang panginoon at ang kaniyang tagapagsilbi

694 48 6
                                    

3/5/19

Tinatayang isang taon ang lumipas matapos ang insedente sa paglaya ni Ryura ay nanatili si Asheara sa Loren upang magsanay sa ilalim ni Nana.

Pinatawan na rin siya ng parusa na hindi na kailanman makababalik sa kanilang bansa, at itutuon ang buong sarili sa pagtupad sa nakasaad sa propesiya. Tanging ito lang din ang mag-aalis sa kaniya kasalanan, ngunit batid niyang imposible pa ito sa ngayon dahil na rin sa kaniyang mga kahinaan.

Naging marahas ang pagsasanay niya sa kamay ni Nana at tinatayang may ilang beses na siyang muntik masawi. Sa katunayan ay hindi niya inaasahan na labis ang galing ni Nana pagdating sa pakikipaglaban at inisip na isa lang itong taga pagsilbi sa palasyo ni Nerwynn. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay lahat ng mga taga pagsilbi sa loob ng palasyo ay may sapat na abilidad upang lumaban. At isa si Nana sa pinaka-magaling sa kanilang pangkat.

Sa loob ng isang taon ay nagawang mapunan ni Asheara ang kakulangan ng kanilang lahi pagdating sa pakikipaglaban. At salamat ito sa tulong ni Nana, dahil natuto siya kung papaano gumamit ng iba't-ibang uri ng sandata. Ngunit ang labis niyang nagustuhan ay ang pag gamit ng ispada. Kalakip ng kaniyang malakas na mahika at kaalaman sa pakikipaglaban gamit ang ispada ay halos hindi na siya matapatan pa ni Nana. Subalit sa oras na magseryoso si Nana at gumamit din ng mahika ay tila nagbabalik lang ang lahat sa umipisa kung saan isang bagito si Asheara pagdating sa pakikipaglaban.

***

Sampung taon ang mabilis lumipas at sa pagkakataong ito ay masasabing handa si Asheara na harapin si Ryura. At kahit malaki pa rin ang agwat ng kanilang mga kapangyarihan ay tiwala si Asheara na magagawa niya ang unang hakbang, bago tuluyang hanapin si Ryura. At ito ay ang mahanap ang mga immunity gem na ayon sa alamat ay nasa pangangalaga ng isang ma-alamat na nilalang, ang Sleipnir.

Sa mga sandaling ito ay patungo si Asheara sa Trishka, ngunit hindi na ito tulad ng dati. Isang malaking lawa na ang dating Trishka, subalit pinili pa rin nina Nerwynn na dito itayo ang bago nilang kabisera, sa tabi ng malaking lawa.

Hindi man ito tulad ng dating Trishka, nasa maayos naman na kalagayan ang buong bayan. At halos nagbalik na rin ang sigla nito, kahit hindi pa tuluyang nababawi ang dating bilang ng mga residente.

Makalipas ang ilang oras ay narating na ni Asheara ang bagong Trishka. Sa katunayan ay ito ang unang beses niyang pagpasok sa loob nito. Natatakot kasi siyang harapin ang mga residente nito, sa kadahilanang siya ang may kasalanan kung bakit nawasak ang dati nilang bayan. Kaya itinuon na lang niya ang kaniyang panahon sa pagsasanay sa kamay ni Nana. Ngunit dahil wala ng maituturo pa sa kaniya si Nana ay ito na ang oras upang harapin niya si Nerwynn.

At tulad ng kaniyang inaasahan, wala halos nakakakilala sa kaniya, hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa harapan ng palasyo. Dito ay agad siyang hinarang ng mga kawal at kalaunan ay tinanong.

"Ano ang iyong kailangan, munting binibini?" Tanong ng isang kawal.

Napadakot na lang si Asheara matapos marinig ang kawal, ngunit gayumpaman ay mabilis niyang pinakalma ang kaniyang sarili at kalaunan ay isang liham ang kaniyang inabot dito.

Agad naman itong kinuha ng kawal at kalaunan ay sinuri.

"Ga...galing ito kay Nana!" Sambit ng kawal.

Hindi na nagsalita pa si Asheara at nagsimula ng maglakad papasok sa loob. Hindi naman na nagawang magsalita ng mga kawal at kalaunan ay sinundan na lang ito hanggang sa tuluyang makapasok sa loob.

Sa loob ay napansin ni Asheara na halos hindi nalalayo sa dating palasyo ang bagong palasyo. At tila ang mga haligi nito ay katulad ng sa nasirang palasyo.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon