Kabanata II - LVII: Ang prinsesa ng Krintiz

834 65 14
                                    

7/9/18

Labis na nagulat ang tatlo, matapos nilang makalabas sa lagusan. At tila hindi rin makapaniwala ang mga taong kasalukuyan ngayong nakatingin sa kanila, habang tangan ang kani-kanilang mga sandata.

Sa katunayan ay sabay-sabay nagkusot ng kani-kanilang mga mata sina Rhena. Subalit hindi pa rin nila magawang maniwala.

"Totoo ba it...o!? Aray!" Tanong ni Eddga.

Hindi na nagawang matapos ni Eddga ang kaniyang sasabihin, dahil malakas siyang kinutusan ni Rhena.

"Kung ganon ay totoo nga at hindi lang tayo nananaginip." Sambit ni Rhena.

"Rhena? I...i...ikaw na ba 'yan?!" Tanong ng isang babae.

Mabilis na napalingon si Rhena sa babaeng nagsalita at laking tuwa matapos itong makita.

"Ina!" Sambit ni Rhena.

Mabilis na tumakbo si Rhena sa kaniyang ina at kalaunan ay mahigpit itong niyakap. Halos ganito din ang tagpo kina Aleah at Eddga.

"*Fufufu... Mukhang malaki ang ipinagbago ng lugar na ito." Sambit ni Crow.

Ilang minuto pa ang lumipas ay muling binalikan nina Rhena si Crow upang kausapin, dahil na rin sa tanong sa kanila ng kanilang mga kalahi at pamilya.

"Papaano nyong nagawa ang bagay na 'yon?! Anong klaseng kapangyarihan ang ginamit nyo para makarating tayo dito sa'ming bansa? Hindi, sa'ming tahanan! Ginoo!" Sambit ni Eddga.

"Oo nga! Oo nga! Ang akala talaga namin kanina, katapusan na naming tatlo! Tapos ngayon ay nakabalik na kami dito sa'ming tahanan!" Sambit ni Aleah.

"Saglit lang, hindi kaya patay na talaga tayo at ito na ang kabilang buhay?! Waaaah?!" Sambit ni Eddga.

Muli ay nakatikim ng malakas na dagok si Eddga at nakuha naman niya ito kay Aleah.

"Araay... Pero mukhang buhay pa nga talaga tayo. *Hehehe..." Sambit muli ni Eddga.

Saglit na nagtawanan ang dalawa, hanggang sa palibutan na sila ng kanilang mga kalahi. Kahit bakas ang mga pinsala sa tatlo ay hindi ito mapapansin sa kanilang mga kasiyahan ngayon.

Napangiti na lang si Crow sa tagpong ito, hanggang sa ilang sandali pa ay muling lumapit sa kaniya si Rhena.

"Sino ka po bang talaga, ginoo?" Tanong ni Rhena.

Muli ay napangiti si Crow, subalit hindi niya nagawang matugon si Rhena, dahil sa pagtawag ng isang babae.

"Anong kaguluhan ito?" Tanong ni Reina.

Agad natigil sa kanilang pagdiriwang ang lahat at kalaunan ay magalang na humarap sina Rhena, Aleah at Eddga kay Reina.

"Nakabalik na po kami, panginoon." Sambit ni Rhena.

Saglit na sinuri ni Reina ang tatlo at kalaunan ay muling nagsalita.

"Maligayang pagbabalik, Rhena, Aleah at Eddga. Base sa inyong pagdating ay tila nagtagumpay kayo sa inyong misyon." Sambit muli ni Reina.

"Tama po kayo, panginoon. Nagtagumpay kaming magapi ang angkan ng Hamon at pati na rin po ang kanilang panginoon ay napaslang na." Sambit muli ni Rhena.

Saglit na natahimik si Reina at bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagkabigla.

"Subalit hindi po naming ito magagawa, kundi dahil sa tulong ng isang lalaki. Sa katuyan ay siya po ang mismong tumupad ng aming misyon. Pero wala po kaming ideya kung saan siya nagmula at bigla na lang pong lumabas sa hangin, nung kami ay napapalibutan na ng mga kalaban." Sambit muli ni Rhena.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon