THIS MUST BE MY WORST FIRST DAY of class so far. Ayaw kong pagsisihan ang ginawa ko kahit first time kong mapahiya. Bakit ba kasi ganoon siya? Parang mas mataas pa siya kaysa sa akin.
"You still look annoyed," ani Jonary.
Kakaalis lang ng teacher para sa subject matapos ang break time. ABM student ako at ang mga kaibigan ko.
Anong strand kaya siya? Sumagi sa isip ko.
"Sobrang napahiya, e." Naroon ang pang-aasar sa tono ni Kesha.
Umirap ako at nagtama ang paningin namin ni Sena na seryoso ang ekspresiyon. Nagbaba ako ng tingin.
Is she disappointed in me? Hindi naman siya ganito kapag ginagawa ko 'yon, e.
"Sino kaya 'yon? What's her name? Saan nanggaling? Bakit alanganin na lumipat? Sana last year pa," si Kesha.
Maging ako ay napaisip. Ano nga bang pangalan niya at saan siya galing? Ang alam ko lang, siya ang bago naming gardener.
"Is she your type, Kesha?" si Jonary 'yon na inosenteng ngumiti.
"I won't deny it." Tumawa si Kesha.
Right, Kesha isn't straight.
"Ew!" Hindi ko napigilang kumontra.
Umiwas ng tingin si Sena sa akin at inayos ang mga gamit niya na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa. Ilang minutes na lang kasi ay lunch break na.
"You should focus on your studies, Aurora. Tito Raymond will surely track your grades," ani Sena.
I pouted.
Here she goes again.
Daig pa ni Sena si Mommy. Iniisip ko na lang na concerned siya sa akin at ayaw nang mapagalitan ako ni Daddy–lalo ni Grandma. Sena knows how strict my dad is. Pamilya nga raw kasi kami ng mga henyo. Ako lang ang naiba, pero hindi naman ako talagang estupida, lamang lang talaga ang angkan ko.
After a few conversations, we all agreed to eat our lunch in the canteen.
Unbelievable.
I didn't know what to feel when I realized that we'd crossed a path again with our gardener who was walking confidently in the hallway.
Tama, hindi mamahalin ang mga suot niya, pero malakas ang dating niya gaya ng sabi ni Kesha.
May suot siyang sombrero kaya hindi makita nang maayos ang mukha niya. Her hair is on a low pony, straight and medium-length. Everything suits her—but I still don't like her aura.
"Oh, kasama niya si Tim?" ani Kesha na nilingon ako.
Tim is a tomboy and has a pixie haircut, so it's weird to see her wearing our uniform, lalo na sa skirt part dahil lakad lalaki. We don't like each other, of course. Why would I be friends with her? She also looks weird with her glasses. Parehas sila ng kasama niya, mga weird.
The only difference is that Tim was loud in expressing that she doesn't like me, while the girl she's with isn't. Literal na walang pakialam sa akin. She doesn't care about me, which also means that she doesn't like me.
Nagbaba ako ng paningin ngunit muling nag-angat nang magkasalubong na kaming anim.
"Ganda ng bangs mo ngayon, Beastie, ah?" At inumpisahan na nga ako ni Tim.
Hindi ako nagsalita at inismiran lang siya sa inis saka umiwas ng tingin. Hindi ako ganito kay Tim, pero bakit ako nahihiya ngayon? At ipapahiya ba talaga ako ng loser na 'to sa kasama niya?
"'Wag ngayon, Tim." Pumigil si Kesha. "Maximum ang init ng ulo niyan ngayon."
Narinig ko ang pinigilang pagtawa ni Jonary, tiningnan pa nito ang kasama ni Tim.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...