Kabanata 32

865 40 5
                                    

It is rare to find someone who will understand you, someone who will look at your perspective and still be proud of you. But I have Cleo, I always have her.

Sa loob ng isang taon, marami akong natutunan sa reyalidad. May mga bagay rin akong natutunang hindi na matutunan, at para sa akin ay mas makabubuti iyon.

Umalis si Cleo sa apartment pagkatapos niyang iayos ang mga gamit namin sa bahay nang makalipat kami at nang maipagluto niya ako ng lunch. Hintayin ko na lang daw siya mamaya para sabay kaming mag-dinner. Nag-insist ako na kumain muna siya bago pumasok sa work pero busog pa raw siya.

Napansin ko ring pumapayat na si Cleo.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi matapos tumanaw sa balcony at labas ng apartment hanggang sa mawala si Cleo sa paningin ko. Pumasok ako sa loob at tinawagan ang number ni Coach Beatrice. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ako sigurado kung may maibibigay siyang trabaho. Kasi kung wala, mukhang kailangan kong maghanap pa sa iba.

"Awii? Bakit?" Thankfully, she answered my call.

"Coach, I was just..."

"Come on, don't hesitate. Sabihin mo na kung ano man 'yan. Kung hihingi ka ng favor, tutulong ako kapag kaya."

"I need a job, Coach."

Matagal na natahimik ang linya niya. "Bakit mo kailangan ng trabaho? Hindi ka pa rin ba nakakabalik sa inyo? Your Grandma still wants you out? Kung oo, grabe naman sila. Parang hindi ka nila kadugo, ah?"

Hindi ako nagsalita dahil medyo nahihiya nang maramdaman ko ang awa ni Coach Beatrice sa akin.

"I don't want to go back too, so I need a job."

"Nasaan ka nga ulit?"

Napabuntong-hininga ako. Bakit kasi pati ito ay kailangang itanong?

"I am with my girlfriend and we rented an apartment. That's why I wanted to earn to help her also." Pinigil ko ang paghinga ko kasabay ng pagkagat ng aking labi dahil ang pride ko, kailangan ko munang ibaba. "Please, Coach. Kahit na anong trabaho na available diyan sa studio."

Natapos ang pag-uusap namin ni Coach. She told me to bring a resume tomorrow and other requirements that were needed to apply for a job. Hindi rin ako nakaiwas sa naaawa niyang remarks sa akin. She told me that I was a princess of Givan's before. Ngayon, heto ako at nanlilimos ng trabaho.

Kahit na tanggap ko ang buhay na kusa kong pinasok, nasasaktan pa rin ako. Hindi lang dahil natatamaan ang ego ko, kundi tila ba parati nilang ipinahihiwatig na hindi ako kayang buhayin ni Cleo. Hindi niya naman ako pinilit na magtrabaho dahil gusto niyang akuin ang lahat. Talaga lang na ayaw kong maging pabigat sa kaniya.

Naiinis ako at nasasaktan.

Ayaw ko na minamaliit siya ng iba.

I spent hours just inside the house. Nanood ako ng TV kahit na hindi ako interesado, hindi rin talaga ako nanonood noon.

While tracing the sofa that we bought, a tall figure of a guy stopped in front of our door. He was holding a rectangular food container. Napatayo ako mula sa pag-upo at bahagyang kinabahan dahil sa akala ko ay kung sino iyon. Si Rudolf lang pala, ang binatang nakausap ko kanina.

Agad ko siyang sinalubong sa labas nang medyo naiilang. Samantalang, maayos ang ngiti niya at mukha namang wala siyang masamang intensiyon.

"Umalis na ang asawa mo?" tanong niya.

Tumango ako kahit hindi sigurado kung sasagutin siya, dahil hindi ko alam kung dapat kong ipagkatiwala sa kaniya ang ideya na mag-isa lang ako rito, pero may kaunting parte sa aking puso na sumaya dahil magalang niyang sinabi na asawa ko si Cleo. He considered and validated it. Kahit, hindi na kailangang manggaling iyon sa iba o hingin ang opiniyon nila tungkol sa mga ganitong klaseng relasiyon.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon