Kabanata 36

917 36 6
                                    

Doon nagsimulang tumatak muli sa akin kung ano si Cleo. She's not just the girl that I love. I don't own her. May sarili siyang buhay at ninakaw ko pa iyon dahil sa pagpasok ko sa kaniyang mundo. Naging makasarili ako nang hindi ko napapansin. Sa kabila niyon, wala akong narinig kay Cleo.

Hindi ako nakarinig sa kaniya nang kahit isang reklamo—kundi puro pagkumusta sa kalagayan ko. Ang palagi niyang itinatanong ay kung nahihirapan na ako pero ni minsan, hindi ko naitanong sa kaniya iyon.

It made me feel sorry for her and pushed me to think of giving up.

"Pakawalan mo na ang apo ng mga Lim."

Iyon ang huling sinabi sa akin ni Grandma bago ako humiling na pababain sa sasakyan niya. Masakit man, may punto lahat nang salitang binitawan niya. Ginising ako niyon at hindi na ako nakalaban.

Pakawalan, dahil sa piling ko nga siguro ay tila kalapating nakakadena si Cleo. Hindi ko iyon nakita—at hindi niya ipinakita.

My Grandma told me about Chairman Lim's plans for Cleo. Ni hindi ako makapagbigay komento dahil unti-unti kong naiintindihan ang nais nilang mangyari.

Sa isip ko ay baka tama ang mga nakatatanda sa amin. Alam nila kung ano ang dapat para sa kinabukasan namin. May kakayanan sila para roon at kami, wala. Wala kaming laban.

I don't want Cleo to settle for less just because I exist.

Kagat-labi kong pinatahan ang sarili nang maiwan sa kalsada habang unti-unting kinakain ng dilim ang liwanag. Hindi ko malilimutan kung gaano kabigat ang puso ko nang gabing iyon. Nakakatawang ginawa akong aktres ng mga pangyayaring iyon dahil ayaw kong mapansin ni Cleo ang dinadala ko.

May mga bagay nga sigurong hindi dapat palaging sinasabi.

Isa lang ang hiniling ko kay Grandma nang muli ko siyang puntahan sa kaniyang opisina.

I asked for her to give me time and to also tell it to Cleo's grandfather.

Hiniling kong hayaan akong magpasko sa puder ni Cleo. Ayaw kong iwanan na lamang siya basta-basta.

She taught me how to communicate when it comes to my feelings and problems, so I will use what I learned from her.

Mapag-uusapan naman siguro ito.

Kilala ko si Cleo. Maiintindihan niya ako.

"Mabuti at nakinig ka kay Mamá." Nanatiling diretso ang tingin ni Daddy sa unahang bintana ng kotse habang katabi ako sa passengers' seat. Dumaan daw siya sa apartment namin para bisitahin ako at natiyempong wala si Cleo. "We only want the best for the both of you. Sayang ang mga pangarap niyo kung magmamatigas lang kayo."

Hindi ako nagsalita, imbis ay pinanood ko ang pagmata ni Daddy sa bintana na katabi niya papunta sa apartment namin ni Cleo. Napatango siya sa sarili saka napailing at muli akong dinapuan ng tingin. Nanatili naman akong walang kibo. Wala akong panahon sa kaniya pero may gusto akong linawin.

"Sabi ni Mamá, pagkatapos ng pasko ay babalik ka na sa amin?" ani Daddy. "Kung ganoon, magpapadala ako ng driver para masundo at matulungan kang kunin ang mga gamit mo rito."

Napangisi ako. "Lahat ng gamit ko rito, bigay ni Cleo." Ipinagdiinan ko iyon pero hindi ibig sabihin ay hindi na ako nagpapasalamat sa buhay na ibinigay nila sa akin bago ako mapunta sa sitwasiyong ito. "And I never told Grandma that I would crawl back to your mansion. Dito lang ako."

"At ano?" Natatawa niyang sinabi. "Si Cleo ang paaalisin mo? Baka maloko niyo lang kaming lahat? Sige, anong balak mong gawin para matapos ang relasiyon niyo?"

"What made you think I would tell you?" Labag sa loob ko siyang nilingon. "Hindi ko kailangang kumbinsihin ka, Dad. Umalis ka na, wala nang dapat pag-usapan. Hindi ako babalik once maisauli ko si Cleo sa mga magulang niya at kay Chairman Lim. I will live alone and I can live on my own. So from now on, don't worry about me. Tutupad ako sa usapan."

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon