Kabanata 27

850 37 0
                                    

I don't accept the opinions of people around me who are telling me what I should do or not—especially if I don't like them. Sanay akong hindi pinupuna ng mga tao sa paligid ko, palibhasa takot sila sa akin.

But then, the shield that I had as Aurora Givan shattered when Cleo accepted me wholeheartedly and unconditionally.

Noong araw na iyon, mahigpit ang yakap namin sa isa't isa. At sa mga bisig niya, pakiramdam ko ay ligtas ako.

Wala pa ang parents ni Cleo. Ang Lola niya lang ang naabutan namin sa bahay at si Closs nang pumanhik kami.

Her grandmother saw my bruises. Gagamutin sana ako nito pero ang sabi ni Cleo, siya na ang gagamot sa akin at magpahinga na lang ito.

And we enter her room.

Agad niya akong inupo sa kama. Pumunta siya sandali sa kusina at pagbalik niya, may dala na siyang yelo at first aid kit.

Wala siyang imik at ang atensiyon ay nasa mga sugat at pasa ko lamang pero alam kong iniisip niya na kung saan ko nakuha lahat nang iyon, gustong magtanong, pero iniisip ang mararamdaman ko.

It's easy for me to read her now. Little by little, I mastered reading her mind through her facial expressions because she doesn't speak that much.

"I am sorry. I am such a burden," sabi ko.

Huminto siya sa pagbabalot ng tela sa yelo na inilagay niya sa pisngi kong namamaga. Kusa kong hinawakan iyon para hindi siya mahirapan.

"Sorry, Cleo," ulit ko.

"Shh..." Tipid siyang ngumiti sa akin, ngunit nagtutubig ang mga mata niya.

And I don't want her to cry, just because I look pitiful right now.

"I ran away from home. I had a huge fight with my Dad and my Grandma."

"Hindi mo ako sinunod?" Kalmado ang pagtatanong niya, tila bata ang kausap at sinisiguradong hindi masasaktan sa simpleng tanong na iyon.

"I didn't..." Nagbaba ako ng paningin. "I don't want to go home na, Cleo. And I told them I wouldn't go back anymore."

Sandaling huminto ang paningin niya sa mukha ko, ngunit nagpatuloy rin sa paggamot sa akin. Now she's cleaning the scratch that I have on my arms. Galing iyon kay Grandma.

"Is it fine... that I am here?" tanong ko.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng hiya at kapal nang mukha.

"I can go to my friend's house, kung hindi p'wede here—"

"Aurora," she shut me up again. "Dito ka lang, pero hindi tayo magtatagal dito."

Natigilan ako. "Tayo?"

Tumango siya habang ang paningin ay nasa sugat ko. "May balak akong rentahan na apartment, malapit sa Rotherwood's at campus ko sa college."

Humigpit ang pagkapit ko sa yelo na nakalapat sa aking pisngi. "I thought, malayo ang papasukan mo kasi ibang course ang kukunin mo?"

"Kailangan ko ng back up."

I pouted.

How could she also think of that?

Sa lahat na lang palagi siyang practical.

"Then, saan ka magka-college?" tanong ko ulit.

"DLSU," maikli niyang sinagot. "Business course muna ang kukunin ko."

Natahimik ako.

"Gusto ni Lolo na pag-aralin ako sa college."

Lalo akong natahimik.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon