I gulped as I avoided my gaze. Hindi ko matagalan ang ngiti niya. She's very pretty without even trying so hard.
Arielle stuck out her tongue to me as she pulled the chair beside me. Sumunod agad si Mommy na tumabi kay Arielle.
I stuck out my tongue to her also. Hindi ako magpapatalo. Noong ganiyan ako kaliit, hindi ako ganiyan ni-baby nina Dad at Mom.
Nahinto lang ako nang maramdaman ang kakaibang aura sa paligid.
As fast as I can, I put my tongue inside my mouth.
This is embarrassing! Bakit kasi nakatingin pa siya sa akin? Umawang lalo ang labi ko nang makitang bahagya siyang natawa, matapos ay kay Daddy na ulit bumaling dahil may pinag-uusapan sila.
"Dad, paupuin mo na si Cleo rito. Late na, siguradong gutom na ang bata."
Naroon ang naiilang na ngiti sa mukha ni Cleo nang ayain na siya ni Daddy.
"Eat with us, Cleo! Please!"
Kunot-noo kong tiningnan si Arielle.
Pabibo, ha.
And I didn't know that they knew each other. 'Cause how would they interact when Cleo is our gardener?
I tilted my head as I tried to think of the reasons when Cleo got my attention again.
She's now walking to the dining table.
Pumayag siya? Because of Arielle? Samantalang, noong ako ang mag-aya ay tinanggihan niya ako!
Bahagya tuloy akong nakaramdam ng inis.
Nagsimula na kaming kumain. Pasimple akong sumusulyap kay Cleo bawat minuto kaya hindi ako makapag-focus sa pagkain kahit na kanina pa akong nagugutom.
"How's Rotherwoods? Former student ka from Clintton's, kaya tingin ko malaki ang pagkakaiba. Nahirapan ka bang mag-adjust?" si Daddy ang nagbukas ng usapan.
Nag-iwas ako ng paningin.
Come to think of it, elite school rin ang Clintton's like Rotherwoods, sister school pa, hindi naman siguro mahirap mag-adjust kahit na poor siya. Ang pinagkaiba lang, walang lalaki sa school namin.
Umawang ang labi ko sa naisip at agad na matalim na tiningnan si Cleo na nagtataka nang nakatingin sa akin.
What if may naiwan siyang boyfriend or ka-fling na lalaki sa Clintton's kaya ganiyan siya? That she's always cold at parang malungkot. Hindi kaya miss niya iyon, if ever?
"Hindi naman po, Sir." Tipid siyang ngumiti, nasa akin ang paningin kahit na si Daddy ang kausap.
Umirap ako, nag-deny pa kasi.
Ang sabihin niya, nahirapan siya, dahil walang lalaki sa Rotherwoods. Boring.
"Player ka na ng soccer team, 'di ba?" My Dad referred to the team as theirs, dahil ang family namin ang nagpopondo para magkaroon ng soccer team ang Rotherwoods, simula pa sa ancestors namin.
"Yes, Sir." Nanatiling tipid ang bawat sagot ni Cleo.
She's also eating slowly.
"And for a full scholarship, you need to pass and join the school's dance troupe?" Dumapo sa akin ang paningin ni Daddy. Of course, I was surprised for a bit. "Aurora was a member last year."
Nagbaba ako ng paningin sa kinakain. Nakaramdam ng hiya nang maramdamang nakatingin na sa akin si Cleo. Dad's tone was something like I shouldn't be in the troupe again this year. Hindi niya ako pinipilit na sumunod, but what's the difference when he's also making me feel that I should?
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...