Kabanata 25

805 39 2
                                    

I don't want to go. I still don't want to go, but I am just so scared about what Grandma would do if I didn't. I know she will seek reasons why I would reject the offer—kung gagawin ko man. Takot akong malaman niya ang tungkol sa amin ni Cleo.

"I already put teas inside your bag." It was my Mom, helping me to put my things inside the baggage that I would bring in Russia.

"Thanks, Mom." Tipid akong ngumiti bago nagpatuloy sa ginagawa.

It was already eight o'clock in the evening, bukas ay aalis na ako at hindi pa rin ako makapaniwala. Maybe because I wasn't excited about it.

Matiim akong tiningnan ni Mommy. Alam kong nakikiramdam lang siya at gusto talagang magtanong sa akin.

"You can say what you want to say now, Mom. Aalis na ako bukas, and you won't get to say that to me na." Sinarado ko ang zipper ng maleta.

"I was just wondering why you seemed uninterested in this offer. 'Cause before, you were always anticipating to be taken abroad."

My Mom is right. Kapag may pagkakataon na ganito, hindi ako humihindi. Mas malaki pa nga ang offer na ito kaysa sa mga mayroon ako noon, pero ganito ang inaakto at nararamdaman ko.

Natapos kaming mag-impake at naiwan ako sa kuwarto. After I took a bath, I looked at the baggage again before I lay down on my bed and after I had hair-blown my hair.

Sa kabila kasi ng mga nagiging desisyon ko, hindi ko man lang nararamdamang nasisira na ang pangarap ko. Ballet is just a hobby that I suddenly took seriously before. God knows what I want to do in the future—kahit pa hindi iyon nagre-reflect sa kung ano ako ngayon.

"Nothing?" I whispered as I looked at my phone.

Walang kahit anong message galing kay Cleo.

Sabagay, dapat ay masanay na ako. Alam ko namang marami siyang part-time jobs. She is a busy person. Isa pa, kailangan niya rin ng time para sa ensayo ng soccer, and as far as I know, kadalasan ay ipinatatawag siya ng Grandpa niya.

Dahil hindi inaantok, bumaba ako sa kusina. Naroon pa si Yaya Eloy at nagpupunas ng mga nahugasan nang plato.

"Matagal ka ba roon sa Russia?" At nabuksan na ang usapan namin tungkol doon.

Hindi ako nakasagot dahil hindi rin ako sigurado.

"Mami-miss ka namin." Tipid siyang ngumiti.

Sandali kaming natahimik.

"Nga pala, Awii. Sorry, ha? Nalaman ko kasi ang dahilan ng away ninyo ng Daddy mo."

Umawang ang aking labi.

"May namamagitan sa inyo ni Cleo?"

Kakabahan na sana ako dahil baka alam na ni Yaya Eloy ang tungkol sa mistress ni Dad, and actually, I don't know if I should feel relief that what she knows is about Cleo and me.

"Hindi ka ba natatakot sa Lola mo?"

Bumuntong-hininga ako.

Napailing siya. "Hindi ko akalaing ganiyan, na magkakatotoo ang biro-biro ko sa batang iyon."

Kunot-noo kong tiningnan si Yaya.

"At mukhang hindi ka naman papatol sa kapwa babae." Nagpatuloy siya sa ginagawa habang ako, mas lalong naging interesado. "Alam mo kasi 'yang si Cleo, panay ang sulyap sa 'yo sa tuwing may duty rito. Inaasar-asar ko at 'yon, nangingiti siya. Alam ko kasing nagkakagusto sa babae ang batang 'yon, pero hindi ko sigurado kung gusto ka nga. Kumbaga, trip ko lang sana i-match kayo."

Itinago ko ang aking ngiti at ininom ang kape kong nasa counter.

Nahihiya akong makita ni Yaya ang reaksiyon ko. Talaga lang na hindi ko mapigilang hindi kiligin, dahil noon pa pala ay sinusulyapan na ako ni Cleo. Noon, hindi maganda ang ugali ko sa kaniya, kaya kung noon ko siguro nalaman ay baka kung ano pang gawin o sabihin ko sa kaniya.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon