Kabanata 21

3.1K 77 17
                                        

I looked at the medal she gave me.

Isang oras na simula nang tawagan ko siya, pero kahit ilang beses kong gawin 'yon hindi niya talaga sinasagot ang tawag ko.

Nawalan na ako ng pag-asa kahit ilang beses kong ipaalala sa sarili kong busy sa buhay si Cleo.

Pinabalik ko na kay Arielle ang cellphone ko. Ayaw kong pati siya madamay pa dahil tinulungan niya ako. Sinunod niya naman ako, pero hindi natanggal ang naaawa niyang tingin sa akin.

Is it possible for her to know what I am going through right now?

"Hindi mo raw ginagalaw ang pagkain mo?"

Hindi na ako nagulat nang maramdaman na si Sena ang dumating at nagbukas ng pinto ko.

I was just staring at Cleo's medal the entire minute. Hindi ko dinapuan ng tingin si Sena, wala rin akong balak na tingnan siya.

"You won't even say that you missed me?"

Doon niya na naagawa ang atensiyon ko, pero nanatiling wala sa kaniya ang paningin ko. Humiga ako at nagtakip ng unan sa mukha ko.

"I have to do that. You don't know her."

Hindi pa rin ako sumagot.

"Intindihin mo na lang sana na pinuprotektahan ka lang ng parents mo. They are also disappointed that you didn't win, malalaman pa nilang..." Napabuntonghininga siya. "Look, they were even taking care of your debut—"

"That was for their own good." Doon ako tuluyang bumangon.

Anong gagawin ko sa debut na 'yon? I am not happy and I feel miserable right now. Hindi ko man lang ma-invite sa birthday ko si Cleo dahil sa nangyari.

"Aurora, please."

Tuluyang namasa ang mga mata ko nang mamuo na ang mga luha roon.

"Hangga't kaya mong agapan ang nararamdaman mo, agapan mo. Don't let it get deeper. Cleo doesn't deserve you. She's full of ambitions. Ayaw kong masagasaan ka ng mga 'yon."

Umiling ako.

Sa kabila ng sinasabi at pinapaintindi sa akin ni Sena, wala pa rin akong maintindihan.

"S-stop..." I plead.

Natahimik siya, mukhang kahit papaano sumuko na siya, pero naroon pa rin ang parte na gustong ipaunawa sa akin ang rason niya.

I know Cleo is genuine towards me.

She is...

She likes me.

"What did you like about Ate Cleo?" si Arielle. Bumalik siya sa kuwarto ko matapos umalis ni Sena. "Because for me, I like her because she makes good strawberry shakes!"

Tipid akong napangiti. Bahagyang kumirot ang dibdib ko.

What if... she ditched me because they warned her?

Is it possible?

But Cleo isn't that kind of person, isn't she?

The day of my debut came. Lagi akong excited kapag may party, lalo na kapag ako ang center of attention, pero iba ngayon dahil mas gusto kong magkulang sa kuwarto kaysa mag-celebrate.

I didn't even bother to hide that I wasn't happy.

I guess only a few know about what happened to me and Cleo, including my friends and Tim.

Invited ang tatlo kaya makikita ko sila mamaya. Meanwhile, I was still in the dressing room, waiting for my name to be called to walk on the long carpet like a celebrity.

Chance Again (Again Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon