Lovers tend to give their all when their love is real. Some efforts are called less by those who still seek something more than their lover couldn't give, but it's more than enough for someone who loves their partner so much and those who fully understand each situation. But for me, when respect is still being offered and there's no harm done, it's not less—but a limit beyond what they can offer.
Cleo isn't less for me.
Binibigay niya sa akin lahat nang kaya niya kahit na mahirap para sa kaniya na mag-adjust dahil magkaiba kami ng buhay. I appreciate everything that she could do. At ang mga hindi niya pa, iniintindi kong hindi niya pa kayang ibigay.
Isa pa, noong mga panahong iyon ay dapat nakatutulong ako sa kaniya. Dahil hindi lang naman siya ang mag-isa sa relasiyong iyon.
We made it happen together, and for me to help build our relationship is a must.
Sabay kaming aahon ni Cleo at may tiwala akong hindi niya ako bibiguin. May tiwala naman ako sa kaniya pero sa mga taong nasa paligid namin, wala. Hindi ko kayang makita na nahihirapan siya.
I know it's pathetic for me to pray for her forgiveness without asking for it—and it's more pathetic that I thought of that because I know that she loves me so, so, so much, like what she told me in that letter and every time she feels to.
"Mukhang special ang pagbibigyan mo, Chloe?" Muli kong dinalaw si Chloe sa lamesa niya.
Ang haba kasi ng letter niya, para bang miss na miss niya ang pagbibigyan niya niyon.
"Teacher, she is special talaga!"
Tumango ako at hinaplos ang buhok niya.
Inubos ko ang oras ko sa panonood sa mga estudyante kong naging abala sa pagsusulat ng letter hanggang sa kinailangan na nilang umuwi. I bid goodbye to them when, one by one, their parents fetch them.
"Mukhang wala pa ang Yaya mo?" Palagi kasing ang Yaya at driver ni Chloe ang sumusundo sa kaniya.
I heard this kid is rich. Siguro iyon ang rason kung bakit hindi ko pa nakikita ang mukha ng mga magulang niya. Isa pa, ang principal ng school, giliw na giliw rin kay Chloe at ang bilin nito sa amin ay itrato siya nang maayos.
She reminds me of my young self. The days when I always think highly of myself. But Chloe is sweet and I think that I am not.
Nanatili ang mga mata ni Chloe sa pintuan, hinihintay sigurong may lumitaw roon habang suot ang bag niya at handa nang umalis, sa kanang kamay niya naroon ang letter.
Sinipat ko ang aking relo. Magla-lunch time na. Half-day lang ang mga bata. Late ang sundo ni Chloe at baka gutom na siya.
"Ang sabi ni Mommy, si Tita ang mag-fetch sa akin."
Umangat ang kanang kilay ko.
Has her aunt forgotten about Chloe? Isn't that quite irresponsible?
"Teacher, Awii!"
Bumuntong-hininga ako nang marinig ang boses na iyon. Of course, I know the owner of that voice. It was Brian, my co-teacher.
"Oh? May isa pang bata na natira sa class mo?" Puna niya kay Chloe.
Agad kong sinenyasan si Chloe na batiin si Brian.
"Good afternoon, Teacher."
"Good afternoon, Student!" Magiliw na bati niya, that's his natural aura. "Wala pa ang Yaya mo?"
"No, ang Tita ko ang mag-fetch sa akin," ulit ni Chloe sa sinabi kanina.
Tumango si Brian kay Chloe bago muling bumaling sa akin. He's wearing his bag, maybe ready to leave while also holding a book in his hand.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...