Kabanata 09

3.4K 93 21
                                        

I witnessed how driven, passionate, and hardworking Cleo is. She deserves the chance that I gave her. She deserves the scholarship and a better future. What I did was right, wasn't I? If I hadn't done that years ago, she wouldn't be what she is right now.

A random song to be danced by an unprepared dancer could lead to two different results; either a disaster or a masterpiece, something that will mark the audience's hearts and minds.

"It's gonna burn for me to say this (Burn by Usher)..."

Natahimik ang paligid nang mag-umpisa si Cleo.

I didn't expect her dance style. The charisma and stage presence are there, plus the step that she is making is so good for an impromptu.

"That was a smooth style, ha?" bulong ni Kyla sa amin, tutok na tutok ang paningin kay Cleo.

I bit my lip as I watched Cleo until she reached the chorus.

Naghiyawan ang audience nang mag-chorus. She even got a hook part for that. Bawat beat, nabibigyan niya ng hustisya tuwing gumagalaw siya.

"She's so hot!" narinig kong bulong ng nasa likuran ko.

Nilingon ko ang nagsabi at tiningnan nang masama. Napatungo ang dalawang babae na nag-uusap at pinagmulan ng ingay. Nagbalik lang ako ng paningin nang mapagtantong nahuli ako ni Sena.

I was amazed.

But the thought that it felt like she was dancing for someone made me feel uncomfortable.

After the chorus, huminto na si Cleo at nag-bow.

"You got a gift right there!" Kyla, on a microphone, said. "Parang gusto ko tuloy umakyat sa stage at magkipagsayaw sa 'yo!"

Nagsigawan ang mga babaeng audience, of course, puro naman kami mga babae rito.

Why am I thinking that...

Straight si Cleo, ang alam ko. I am sure, may ka-M.U. siyang naiwan sa Clintton's! Stupid ako kapag nagkamali ako.

"Anong masasabi mo, Awii?"

Nagulat ako nang tanungin ako ni Kesha.

Geez, wala pa naman akong balak na mag-comment. I don't want her to know that she got me mesmerized.

Ngumuso ako at saka nag-angat ng paningin sa kaniya na nasa akin ang paningin.

"Y-you... are great..." labag sa loob kong sinabi.

"Eyy!" kantiyaw ni Kesha. "Kahit si Awii, na-impress mo, Cleo!"

Umiwas man ako ng tingin, nakita ko pa rin sa labi niya ang ginawa niyang pagngisi sa akin.

This afternoon before our classes end, nilabas na ang resulta ng audition. May kalapitan ang bulletin board sa locker area kaya natanaw naming apat ang paglapit ng students doon.

Madali lang makita si Cleo, dahil hindi siya naka-uniform, at hindi rin siya nakidumog. Hinayaan niya pang kumonti ang students na naroon bago niya tingnan ang result.

"Grabe! She's on fire kanina!" puri ni Jonary.

Nilingon ko si Sena na walang pakialam sa paligid at inaayos ang mga gamit niya sa locker.

"She's a legend! That was a random song. Sobrang cool na maganda ang outcome despite the challenge that you gave her," ika ni Kesha na ako ang kausap.

Ang weird na habang tinitingnan ko si Cleo, naririnig ko sa aking utak ang kantang 'yon. Pakiramdam ko tuloy, siya na ang maaalala ko kapag narinig 'yon.

"Oh, ano? Laglag panga niyo kay Cleo?" Mula sa likuran namin, bigla na lang sumulpot si Tim. Nagulat kaming tatlo, maliban kay Sena na nakasandal sa lockers at nakatingin sa mga nag-audition na sumisilip sa bulletin board para makita kung naroon ang names nila.

Chance Again (Again Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon