Kabanata 12

884 41 11
                                    

Inaamin ko, talagang hindi sapat ang alam ko sa mundo. At dahil ang atensiyon ko ay nasa nararamdaman ko lamang, hindi ko nabigyang pansin ang pinagdaraanan ng ibang tao na maaari ko ring pagdaanan.

"Teacher Awii!" tawag sa akin ng isa sa mga estudyante ko.

I am a kindergarten teacher at an International Academy that was privately owned by CL Holdings, INC. A group of companies came from elite surnames in the country. Iba-iba ang business ng mga ito, from raw construction materials to airlines, and real estate and they even built hospitals and schools, including this.

I paid attention to my student Chloe. I asked them to write letters to their parents.

Experienced na ako as a Kindergarten teacher. I also taught in a public school for two years at ngayon, dito na ako nagtuturo, umaasang magiging ika-tatlong taon ko ito bilang guro.

Kasisimula ko pa lang a week ago, pero maayos at magaan na ang pakiramdam sa akin ng mga bata, ganoon na rin ako sa kanila, kaya nakabawas iyon sa stress na maaari kong makuha sa trabaho.

"I love you, hoping that you'll come home soon?" Basa ko sa sinulat niya. "Malayo ang parents mo?"

Umiling si Chloe. "No. My Mom and Dad are here, but I want to write a letter to someone. Is that okay, Teacher?"

Ngumiti ako.

How sweet. She reminds me of someone I knew, pero mukhang hindi kasing bait ni Chloe. It's my little sister who's close to a teenager right now, thirteen years old na at active naman sa school kahit papaano. Bumait na sa akin ito, kahit natuto nang maging sarcastic.

"It's okay, go ahead. Write your letter na," I said.

"Thank you, Teacher!"

Dahil abala pa ang mababait kong estudyante, lumabas muna ako sa pinto para dungawin ang labas.

Peaceful sa elementary campus kapag ganito kaaga, tahimik pa kasi ang mga bata dahil kagigising pa lang at wala pang energy na maging pasaway, sa hapon doon sila umiingay.

Maganda rin ang sikat ng araw at malakas ang hangin, magandang pagmasdan.

"Teacher Awii!" si Ma'am Elizabeth iyon, Grade Five teacher. "Oh, i-merienda mo. Birthday ko kagabi, hindi ka nagpunta! Kaya dinalhan na lang kita ng mga handa ko."

Kinuha ko ang paper bag na inabot niya.

Nasa forty plus na ang edad ni Ma'am Elizabeth, magkasundo naman kami kahit na twenty-seven pa lang ako. Mabait kasi ito at magiliw.

"Salamat, Ma'am." Sinilip ko ang laman niyon. Natuwa ako sa nakita. "May sisig?"

"Aba, oo!" si Ma'am Elizabeth. "Talagang ipinagtabi kita niyan dahil paborito mo nga! Teka, una na ako at baka nagwawala na ang mga alaga ko."

"Sige po, Ma'am. Salamat ulit! Happy birthday!" Kumaway ako nang kumaway rin siya paalis.

Sa kalagitnaan niyon, kinuha ko ang cellphone ko nang maramdamang mag-vibrate iyon mula sa bulsa ko.

Text galing sa Mommy ko.

Mom: Birthday na ni Dad bukas. Sana mapatawad mo na ang Daddy mo, Anak, at makapunta ka na. Pang ilang celebration na 'to na hinahanap ka niya.

Nilunok ko ang bikig na namuo sa aking lalamunan, unti-unting naging emosyonal.

Yes, I ran away from my family right after an incident. Eight years na, at sumisipot lang ako kapag wala si Daddy, lalo na kapag birthday ni Arielle para maibigay ang gifts ko.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon