Kabanata 49

884 41 9
                                    

The next week, we told Edwin's parents about my pregnancy. Lahat masaya at sabik, kaya mas minadali ang kasal namin.

Being very well-off, Edwin's family decided to pay for all the expenses of our marriage.

Magaling ang wedding planner, detalyado ang mga ideya, at magaling mag-suggest. I participated and made sure that everything was still according to my liking. Edwin also wants to follow what I want.

Although it was fun, it was exhausting.

Sa bahay ni Edwin kung saan ako bumisita, ipinadala ang sample ng mga flavor ng cake para makapili na kami. Ang iba sa mga ihahain sa buffet, napili na. Ito na lang ang kulang.

Panay ang tango ni Edwin sa tabi ko nang maupo kami sa dining table at simulan ang taste test.

"Isn't vanilla too common already?" sabi niya.

Nasarapan kasi ako sa flavor na iyon. Malambot din ang cake at hindi nakakaumay bawat sample ng icing, vanilla lang talaga ang nagustuhan ko sa lahat.

Ito ang unang beses na parang maglalaban ang opiniyon namin.

What I did was smile and eat the icing again. "I liked it."

"Mas prefer kaya ng mga bisita natin 'yan?"

Lumunok ako at uminom ng tubig. "Hindi ko alam, nagustuhan ko lang."

"Why don't we try something new? Itong strawberries and cream kaya? White raspberry cream? Lemon cake?"

"Ano ba ang gusto mo?" tanong ko.

He tilted his head. "Strawberries and cream."

Tumango ako. "Okay, sabihin mo sa kanilang 'yan ang napili natin."

Sinabihan niya agad ang planner para masabi sa gagawa ng cake. After that, I proceed to my room to finish my lesson plan.

"Kailan ang retirement?" Nakangiting sumulpot sa pintuan si Edwin. Marahan siyang lumapit at naupo sa kama na nasa likuran ng upuan at lamesa ko sa guest room ng bahay niya. "Mag-iilang buwan na si baby, hindi mo pa sinasabi sa kanila?"

"It's against my ethics, right? Kasal muna bago ang announcement sa iba." Nagpatuloy ako sa pagtipa sa laptop.

"Nasa'n na kaya siya?"

Huminto ako sa ginagawa.

"Hindi man lang bumalik ang hinihintay mo."

Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang suot na bracelet.

"What are you talking about?" sabi ko.

"Your ex," ani Edwin. "Kaya nga hindi ka nagpaligaw kasi naghintay ka, 'di ba? Bakit hindi mo siya imbitahan sa kasal natin? Para lang mag-meet kayo, magkumustahan."

"Magkumustahan para saan?" sagot ko. "Baka maabala pa siya."

Naramdaman ko ang pagtitig niya sa likuran ko. "You were crying when it happened to us that night, I was just wondering if..."

"It's my choice," pigil ko. "Let's just focus on our wedding."

"Siguro siya ang greatest love mo."

Umikot ako mula sa kinauupuang swivel chair. "Edwin, please. Magpapakasal na tayo."

"If I were to marry you, I should ask about what's bothering me, right? Ikaw rin naman, kung may gumugulo sa 'yo hahayaan kitang magtanong kahit nakaraan pa."

Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya.

"I wish we already met when we were young, so I wouldn't be late."

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon