Kabanata 47

861 35 56
                                    

We are too late. Huli na para makabalik kami sa dati. Everything was my fault. Kung ginamit ko sana ang isip ko—bago ang puso ko noon. Hindi sana nadamay si Cleo.

"P-paano ang mga pangarap natin? Umalis ako para ayusin ang sarili ko... para kaya ko nang ibigay sa 'yo lahat ng kailangan at gusto mo pagbalik ko. For what was all of it? Anong gagawin ko sa lahat ng meron ako ngayon? Bakit mo pa ako itinaboy noon kung pagkatapos ng lahat hindi ka rin mapupunta sa 'kin?"

Marahan kong kinalas ang yakap niya sa akin at humakbang ng isa palayo.

"Aurora, Love, answer m-me. Nasasaktan na ako—"

"Pinalayo ako ng lolo mo, Cleo." Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at sinalubong ang galit niyang tingin sa akin. "I tried to beg for him. I fought for us! Pero kahit dumugo ang tuhod ko kaluluhod sa opisina niya, hindi siya pumayag. W-wala akong laban. I have no choice but to accept our faith—"

Umiling si Cleo at hinilamos ang mga palad sa kaniyang mukha. "Niloko mo ako. You made me believe that I could still come back..."

Unti-unting nanginig ang mga kamay ko.

"You played with my feelings."

Isang luha pa ang pumatak sa pisngi niya bago niya ako tinalikuran matapos punasan iyon.

I took that as a cue to run after her.

"C-Cleo, please..."

Nagpapigil siya at galit akong binalingan.

"Unawain mo ang ginawa ko—"

"I can't, Aurora." Marahas niyang binawi ang pulso mula sa akin. "Akala ko ikaw ang may gustong lumayo ako. Bakit ka nagpadikta? If you only told me, hindi tayo aabot sa ganito. We promised to communicate our problems—"

"Hindi ka makakapag-aral kung sinuway natin ang lolo mo—"

"Matalino ako!" sigaw niya. "Kaya kong matanggap sa libreng eskuwelahan!"

"You knew that wasn't my point! Chairman Lim told me that you asked him to help you with your dream school—"

"I can give it up for you and my dream was mine to fix!"

I frustratedly shook my head. "Ibinalik ko lang lahat ng opurtunidad na meron ka bago ako dumating sa buhay mo. Inayos ko rin naman ang buhay ko, Cleo. I just lost hope because your grandfather was right. Wala akong silbi. Now my life messed up after I tried to move on. S-sabi kasi nila ikakasal ka na sa fiance mo." Tumingala ako para pigilan ang muling pagtulo ng bagong luha sa mga mata ko habang nasa akin pa rin ang paningin niya. "I have a child to consider now. I can't be unfair to it. Kailangan kong maging patas sa kanila ng ama niya."

Nagtuloy-tuloy ang pag-iyak ni Cleo. She did the same and tried to hold back her tears.

"G-gusto ko lang na maintindihan mo ako. Hindi para mapatawad mo ako. I want you to understand me, so you won't wonder why I did it easily. I love you but I can't keep you, because to let you go was what you deserve."

"A-aurora..."

"I can't be selfish again."

"B-but I love you so, so, so much."

Mapait akong napangiti. Tumango ako at kinuha mula sa bulsa ko ang dalang kahon. I took out the silver bracelet that I bought.

Hinayaan niyang kunin ko ang kamay niya para maikabit iyon.

I run my point finger on it and look at her after.

"H-happy birthday..."

She bit her lip to stop sobbing.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon