"Oh..." si Kesha sa tabi ko na bumulong ng, "Cleo is rich?"
Nagpatuloy ang usapan sa hapag ng mga Lim at nanatiling nakatuon doon ang atensiyon ni Tim.
"And Sena is..."
Umawang ang labi ko nang magkatinginan kami ni Kesha. Sa tingin pa lang na 'yon alam ko nang parehas kami ng iniisip.
"Kung hindi niyo igagalang ang anak ko sa loob ng pamamahay ko bukas ang pinto, Papá." Naroon ang tapang sa boses ng papa ni Cleo.
Napayuko naman ang mama niya. Her Mamang glared at the magnate.
"Pa," si Cleo.
Pilit na kumalma ang papa ni Cleo. Nanatili namang matikas ang pag-upo ng matandang lalaki. Nagkatinginan ang mag-asawa na kasama nito habang mas bumaba ang pagyuko ni Ashley sa hiya.
"Akala ko ba sasama ka na sa 'kin sa susunod taon?" the woman asked Cleo. "It turns out that you enrolled in Rotherwoods. Masuwerteng walang conflicts, but it's a risk, Cleo. Sana nag-stay ka na lang sa CU."
"I'm sorry, Tita."
I can't believe we were witnessing this. Ako na ang nahihiya para sa kanila, hindi man lang nila nilugar na pag-usap ang ganoong bagay, sa harap pa talaga ng mga bisita ni Cleo. It was like they were doing that purposely, so we'll find out who she is.
Nag-vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko 'yon, galing kay Mang Mario ang message.
From Mang Mario: Ma'am, kumusta na po riyan? Mukhang kailangan na po nating umuwi.
Pasimple akong nag-type nahinto lang nang magtama ang mga mata namin ni Cleo. Iniisip niya siguro na uuwi na ako.
I sighed as I proceeded.
To Mang Mario: Iwan mo na lang po ako, Mang Mario. Fetch me tomorrow.
Tinabi ko na ang cellphone ko para mag-focus kay Cleo. Hindi niya pinapakita, pero alam kong nararamdaman niya ang tensiyon, pero nanatili siyang kalmado para sa ikakaayos ng usapan. I admire her for that.
"Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo, Hija?" anang lalaki na kasama ng matanda. "I heard you have a lot of jobs just to sustain your needs in that elite school. Inalisan mo pa ang dati mong school kahit na full scholar ka naman doon. If this is still about that girl who left you, do you think it's still worth it?"
Napalunok ako.
Si Sena nga ang pinag-uusapan nila.
Sena is from Clintton's University.
Muling nagtama ang mga mata namin ni Cleo. Halo-halong emosyon ang naroon, pero mas pinili kong magbaba ng paningin dahil hindi ko kayang tumbasan ang titig niya.
I feel stupid all of a sudden. Nahihiya ako dahil ang mga sumisita sa kaniya ngayon, kagaya ko lang. I judged her and pushed her away from our school, just because she's poor.
"Sorry, Tito, pero birthday ko po ngayon. Can we eat in peace? I also have visitors."
Nakahinga nang maluwag ang mga katabi ko nang magsalita sa wakas si Cleo.
Wala namang nagawa ang uncle niya kundi ang mapailing.
Ang hirap nila panoorin dahil kahit sino sa kanila hindi ginagalaw ang pagkain. Maybe this is my time to use what I learned in gatherings.
Tumayo ako mula sa sofa. Nagulat sina Kesha, Jonary, at Tim. Muntik pa akong pigilan ni Kesha kung hindi lang ako nagpumilit na pumunta sa table.
"G-good evening po." Bigla akong kinabahan. "My name is Aurora Givan."
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
Fiksyen UmumAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changed when Cleo Lim transferred to her school, a scholar from the girls' soccer team, who showed her a different side of life. August 21...
