Kabanata 11

922 36 4
                                    

Simula nang magkautak ako, alam ko na kung ano ang gusto ko. Siguro ay galing ako sa mayamang pamilya, kaya sanay nang naglulustay ng pera sa kahit mga bagay na hindi ko naman kailangan, pero hindi ibig sabihin, magiging akma sa estado ko ang gugustuhin kong career. Mahirap ipaliwanag, pero hindi rin ibig sabihin, gusto ko ng simpleng buhay. I just want a simple career, not a simple life, because I know I won't be able to survive in deprivation.

And I didn't know that the time would come when I'd learn to appreciate even the smallest things that someone could offer. It's weirder to think of it as something less than what better people could give me—but something enough that made me contented.

"Emotions," si Kyla. "Kulang sa emotions. You know, the feeling na nakalaya? Kahit na may masasakit at hindi katanggap-tanggap na nangyari?"

I sighed.

This is the second day of our practice. Mayroon na lang kaming two days ni Cleo para mag-practice after this day, which is Wednesday and Thursday.

Until now, hindi pa rin ako nagpapahawak sa kaniya.

It's still uncomfortable for me, kaya puro pag-alalay lang ang ginagawa niya sa akin. And I am aware, na mukha na akong tangang inaangat ang sarili bawat steps na hindi magawa ni Cleo sa akin.

Tiningnan ko ang bintana sa labas. Kulay kahel na ang langit. Mayamaya ay didilim na at matatapos na ang practice namin para sa araw na ito.

"What if..." si Kesha. "What if, magpahawak ka na, Awii? Two days na lang, e. Dapat sanay ka na, at si Cleo sa weight mo para masigurado nating ma-e-execute niyo nang maayos ang lifting, kasi wala na tayong panahon para magpalit ng steps!"

Tahimik naman si Jonary na katabi ni Tim sa mahabang sofa sa gilid.

Tapos nang mag-rehearse ang ibang magpe-perform kaya nakauwi na sila, kami na lang ni Cleo ang naiwan, sina Kyla at Kesha, pati sina Jonary at Tim.

"U-uh. P'wede, water break first?"

Nagkatinginan sina Kyla at Kesha, mukhang pagod na sa excuses ko.

I can't help it. Hindi talaga ako komportable. Malapit pa nga lang si Cleo ay parang nanlalambot na ako, paano pa kung hahawakan niya ako? Maybe it's because of my pride. Imagine, I hate her, tapos makikipagsayaw ako sa kaniya?

"Okay, pero one-minute lang." Tiningnan ni Kyla si Kesha at sina Jonary. "Halika 'yo, samahan niyo ako bumaba sa guard house. Nagpa-deliver ako ng foods natin."

Nataranta ako dahil hindi kami binanggit ni Kyla. And as much as I wanted to come with them, wala na akong nagawa kundi ang maudlot sa paghakbang sa sanang pagsunod sa kanila nang isarado nila ang pintuan.

Napapikit na lang ako sa inis at nilapitan ang bag ko sa sofa para kunin ang cellphone ko at ma-check kung may message si Sena sa akin.

Nalumbay ako nang makitang wala kahit isang message o missed calls galing sa kaniya.

Siguro, busy nga. Baka mamaya pa siya mag-message, thirteen hours nga pala ang time difference ng Philippines sa U.S.

Pasimple kong tiningnan si Cleo sa gilid ng sofa na pinuntahan ang dalang bag. Kinuha niya roon ang towel niya at sandaling pinunasan ang kaniyang mukha. Sinampay niya iyon sa balikat niya pagkatapos habang naglalakad siya papunta sa lamesa sa harap ng sofa para kunin ang water bottle na dala niya kanina.

Nanuyo ang lalamunan ko kaya nilunok ko ang sarili kong laway, saka ako nag-iwas ng paningin.

Why is she drinking in front of me?

Natapos din siyang uminom. Pinunasan niya pa ng towel ang labi niya bago napako sa akin ang paningin niya.

"What?" tanong ko agad bilang dipensa.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon