Never pa akong nakasakay sa motor kaya bago iyon para sa akin. Isa pa, takot ako dahil lapitin ng disgrasya ang mga single vehicle. I honestly hesitated to go with her at first, but when I heard the grandma thing, my heart melted all of a sudden.
Siguro, dahil sa katotohanang hindi ako close sa grandmother ko, dahil sobrang strict nito. Makikita ko pa lang ito o kaya mababalitaang darating sa bahay ay maiihi na ako sa kaba. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang ganoong asta ni Grandma, pero ang sabi ni Mommy, konektado iyon sa pagkawala ni Grandpa, ilang araw matapos kong ipanganak.
Samantalang, ang lola ni Cleo, pakiramdam ko ay magiliw, sa sinabi pa lang nito na gusto nitong magsama si Cleo ng kaibigan para madadagan ang mga bisita. And Cleo also said that her grandmother is excited to know her new friends.
As soon as we arrived, I expected to be in a squatters' area, pero hindi iyon ang naabutan ko. I mean, they are poor, but the high-class of the poor, siguro dahil maayos ang bahay nila, malinis at malaki kahit na outdated at mukhang sinauna lalo na ang bintana at ang parte na aakyatin pa ang hagdan bago mapuntahan ang front door.
"Malapit na si Cleo, 'Nay."
"E, ang batang iyon kasi! Birthday ko, ang bilin ko agahan niya!" Naroon ang tampo sa boses ng matandang babae.
"Darating, 'Nay. Baka abala lang sa eskuwela," boses ng babae, ang naunang magsalita kanina.
Sandali lang ang naging biyahe namin ni Cleo kaya hindi ako nabagot. Isa pa, nang makarating kami, sumalubong agad sa akin ang maliwanag nilang bahay.
Hindi ganito ang pakiramdam ko kapag uuwi sa amin-hindi ako masaya o komportable. And it amazes me because this house feels warm and welcoming.
Tipid kong nilingon ang kamay ni Cleo na umalalay sa beywang ko.
Magsasalita sana ako, pero umupo na siya sa gilid ko, kinuha ang cotton na tsinelas pambahay sa tabi ng pinto, at marahan niyang isinuot iyon sa akin matapos hubarin ang black shoes ko.
Kusa kong sinabayan ang galaw niya, kahit na hindi ako komportable sa mga hawak niya.
Nang maisuot ay nagtagal pa ang paningin niya sa paa ko kaya naiurong ko iyon.
Mahina at tipid siyang natawa saka tumayo. Pakiramdam ko tuloy, nag-init ang pisngi ko.
And I noticed that she has a nice set of white teeth.
"Kung ano mang sabihin ni Mamang, hayaan mo na lang."
I blinked.
Mamang ang tawag sa lola niya?
Tumango ako sa kaniya. Matapos ay ngumiti siya at inakay ako nang tuluyan sa loob.
"Mamang," bati niya. Lumapit siya sa lola niya at hinalikan ito sa pisngi. "Happy birthday."
Kunwari pang nagtampo ang Lola niya kaya napuno sila nang tawanan, ang mommy, daddy, at nakababatang kapatid niya, siguro.
"Busy ka na ba sa pag-aaral mo, ha, Cleo?" tanong nito.
Tipid na natawa si Cleo. She looked at her grandmother like she was the cutest thing alive.
"Oh? Nagsama ka?" Binalingan ako ng lola niya.
Kinabahan ako, of course! What if, hindi maging maganda ang first impression nila sa akin? I mean, hindi na ako babalik dito, pero mahalaga iyon para sa akin.
"Si Aurora, Mamang. Kaibigan ko." Inakay ako ni Cleo sa beywang.
Agad akong yumuko para bumeso sa lola niya na nakaupo sa wheelchair.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...