Kabanata 04

1K 45 5
                                    

SENA HAS BEEN MY FRIEND since our ninth grade in junior high school when she transferred to Rotherwoods. I approached her first, dahil sa personality ni Sena, hindi siya 'yong tipo na unang makikipag-usap kahit kanino.

She was quietly sitting at the back of my chair at that time. The first time that I saw her, alam ko na agad na makakasundo ko siya-especially sa appearance niya. She's humbly showing how rich and classy she is and I know she'll be quiet about it, dahil noong una pa lang ay tahimik na siya at sigurado akong buong school year magiging ganoon din siya.

Maging ang pagpapakilala niya sa klase noong araw na 'yon tandang-tanda ko pa.

"She's pretty, 'no?" It was Jonary who's my childhood friend; kaya hawig kami ng kilos at pananalita. Our difference is much more obvious; she's kind, and I am not. "I saw her earlier in our faculty."

Napailing sa gilid ko si Kesha na naging kaibigan ko nang magkasama kami sa dance troupe. "Maganda, but scary."

Hindi ako nagsalita at tiningnan muli ang transfer student, si Sena.

"We have a new kid," our teacher said. "She's a former student in Clintton's."

Tumango ang babae matapos tingnan ng teacher namin para siya na ang magtuloy sa pagpapakilala.

"I'm Senaia Sanchez," she plainly said.

"Go on." Maging ang teacher namin ay gusto pang padugtungan ang sinabi ni Sena, dahil halata na gusto niya nang tapusin ang diskusiyon.

"You can call me, Sena."

Our teacher just pointed to the seat, awkwardly smiling. While Sena heads to the chair at my friend and I's back. Nang dumaan siya sa gilid ng upuan ko, doon ko lang napansin na malamig ang mga mata niya. Tipong isang tingin niya lang, malalaman nang wala siyang interes sa pagkatao ng isang tao. Everything she sees bores her.

I even remember how sweet her perfume was at that time.

Nagkatinginan kami ni Jonary. I don't usually entertain transfer students, but I look back at her to approach her when our teacher excused herself to go to the comfort room.

Interesado talaga ako sa kaniya.

"Hi! I'm Aurora, but you can call me, Awii." I extended my hand to her.

Napako ang paningin niya sa akin habang tinatabi ang bag niya. I could recognize that brand and model. Meron ako niyon sa ibang kulay.

I tilted my head and smiled wider.

Hindi pa rin ba ako mukhang mabait at approachable? She isn't even smiling!

Ang pagbabago lang sa mukha niya matapos kong magpakilala ay ang pagkunot ng noo niya nang kaunti.

"You're embarrassing," mahinang bumulong si Kesha sa gilid ko.

Tinabig ko ito at siniguradong hindi nalanta ang ngiti ko kahit disappointed talaga ako.

Humagikhik si Jonary na tabi ko, sa kabilang row.

Binawi ko ang aking kamay nang mangalay. "It's fine if hindi ka pa comfy sa 'kin, pero if gusto mo ng kasama for lunch, we can go together!"

"Oo nga, Sena!" Jonary backed me up. "Kapag si Awii ang kasama mo, we can sit wherever you want. Kasi if you don't know, takot ang students sa kaniya!"

I proudly nodded at Sena.

"Really?" Tipid siyang ngumiti.

Namangha naman ako dahil lalo siyang gumanda.

"Yes, 'no!" sagot ni Jonary.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon