Kabanata 39

970 45 17
                                    

Nang matapos ang ceremony, hinanap ko agad si Cleo. Ngunit naging mahirap iyon dahil sa pagdagsa ng mga estudyante at magulang na lumalabas sa exit.

Unti-unting bumigat ang dibdib ko kasabay ng pagkalukot ng puti at nakarolyong papel na ibinigay sa akin kanina sa entablado bilang diploma.

I couldn't see Cleo.

"Awii!" Hindi nagtagal, narinig ko na ang boses ni Jonary na tinawag ako. Siguradong kasunod niya na ang mga kaibigan ko at tama nga ako. "Omg! Nabubunggo ka na!"

Sa kabila niyon, hindi ko pinansin ang mga nakabunggo sa akin sa pasilyo ng hilera ng mga upuan para lang hindi malingat ang mga mata ko dahil baka makaligtaan ko ang pagdaan ni Cleo sa aking puwesto.

"Aurora." Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Sena na humatak sa akin paalis doon.

But the only thing I did was to pull my hand from her and go back to my original position.

Nang sandaling iyon, hindi na ako pinigilan ng tatlo at minabuting tumayo na lamang sa gilid ko. Hindi ko man sila lingunin, mula sa gilid ng aking mga mata ay nararamdaman ko ang malungkot at naaawa nilang pagtingin sa akin.

"Ubos na ang tao, Awii. Baka umalis na siya," ani Kesha.

Hindi ako kumibo at hindi ipinakita ang kawalan ng pag-asa. Nagmukha akong tanga na pinilit tumayo sa puwesto habang inaasahan ang pagdaan ni Cleo, kahit nasa bente na lamang ang nasa venue at wala si Cleo sa mga ito.

Ilang sandali lang, isang babaeng mas maliit sa akin ang lumapit. Malungkot ang mukha nito habang inaabot sa akin ang bungkos ng mga bulaklak na may kulay lila at dilaw na balot.

Mula sa aking likuran, awtomatiko kong naramdaman ang paglapit nina Sena, Jonary, at Kesha sa amin.

"Sa 'yo raw 'to. 'Yung babaeng valedictorian ang nagbigay."

Mabilis na bumagsak sa mga bulaklak ang aking mga mata. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon at pinanood ang pagtango sa akin ng babaeng nag-abot niyon, maging ang pag-alis nito.

Narinig ko ang bulungan nina Jonary at Kesha. Samantalang, naramdaman ko ang palad ni Sena sa kanang balikat ko.

"Mukhang aalis na siya," ani Sena.

Hindi ako nakasagot dahil ang mga mata ko ay abala sa pagtingin sa bulwagan. Sa gilid din ng mga mata ko, nakita ko ang paglapit sa amin ng aking pamilya.

Mukhang mag-aaya na silang kumain dahil kasabay rin nila ang mga magulang ng tatlo, kapwa nakangiti at masaya para sa amin. Maliban kay Grandma na nauuna akong nilapitan at niyakap.

Tumunog sa pagitan namin ang balot ng bulaklak nang masagi iyon, doon unti-unting pumasok sa aking utak ang dapat kong ireregalo kay Cleo para sa araw na ito.

"Nagbanyo lang sandali ang daddy mo, tapos pupunta na tayo sa Chantèur," banggit ni Mommy sa paborito nilang kainan sa kabilang bayan. "Let's wait for him."

Umiling ako at agad na kumalas sa pagyakap sa akin si Grandma. Naramdaman ko ang naguguluhang tingin nila sa akin.

"M-may gagawin lang po ako," sabi ko.

Hahabulin pa sana ako ni Mommy, pero maagap siyang napigilan ni Grandma na mukhang may ideya na sa kung anong gagawin ko.

Samantalang, halos mabali ang mga paa ko dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko dahil sa kaba na hindi na makita si Cleo.

I head to my dad's car to get my bag and the photo album I made the other day. But when I opened the passenger seat's door and after getting my bag, a horrific show made me freeze.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon