Kabanata 43

1K 38 32
                                    

Gaya ng napag-usapan, lumipat ako sa bahay ni Cleo. Panandalian lang iyon para sa kaligtasan ng pagbubuntis ko, hangga't hindi nasasabihan si Edwin.

After his bar exam, I'll contact him, and then Cleo and I will part ways.

"Malaki pala ang bahay mo." Halos pabulong kong sinabi dahil sa pagkamangha. "Wala ka talagang kasama?"

Pinagbuksan niya ako ng pinto nang makaakyat kami sa porch ng front door.

"Wala, hindi ko kailangan," sagot niya.

Natikom ko ang labi ko nang mapagtantong halos parehas pala kaming naging mag-isa.

Sabagay, hindi ko alam ang buong kuwento niya nang maghiwalay kami.

"Secure ang village, you don't have to worry."

"Wala kang flight bukas?" Nilihis ko ang usapan. "Baka dapat natutulog ka na?"

"Wala naman," ani Cleo. "Pero magluluto muna ako."

Tinago ko ang namuong sabik sa aking ekspresiyon at saka bumaling sa living room.

"Gusto mo ng Caldereta?" panimula niya. "Pininyahan? Sisig?"

"Sisig," sagot ko.

Tipid na ngumiti si Cleo. Kinuha ko naman ang tsansang iyon para ilapag ang mga gamit ko sa malapad niyang sofa.

Nasa gitna iyon nang malawak na living room. May malaki ring television na ilang metro ang layo mula sa sofa na kulay puti. Halos lahat ng nakikita ko, kung hindi puti, yari sa kahoy.

"Nakakausap mo pa ang parents mo?"

"Parent," tinama ko siya. "Ilang buwan na noong huling dalaw ko."

Kagat-labi siyang tumango. "Ayaw ko sanang pangunahan ka, pero hindi ka ba talaga dadalaw para sabihin 'yan? Matutuwa ang mga magulang mo, sigurado. They might have been waiting for it."

Nilingon ko siya. "Sobrang sigurado mo yata?"

"Hinahanapan na rin ako."

Umangat ang kaliwang kilay ko. "There's a chance?"

Nagtatanong niya akong tiningnan. "Sa lalaki? Wala."

Hindi ako nagsalita, imbis ay umiwas ng tingin papunta sa pader na yari sa salamin, nasa bandang kanan iyon ng sala kung saan naroon ang swimming pool.

"Bagay ba?" ani Cleo.

"Bagay?" tanong ko pabalik.

Matamlay siyang ngumiti. "Na mapunta ako sa lalaki."

Tipid akong ngumiti pabalik nang manuot sa akin ang itinanong ni Cleo. "If it will make you happy and fulfilled... after what I did."

Nagtama ang mga mata namin sa repleksiyon ng salamin. Pinanood ko kung paano siyang nagbaba ng paningin papunta sa paanan niya.

Natuloy siya sa pagluluto matapos ituro ang magiging kuwarto ko. Cleo also let me shower first while she was cooking. Bumaba ako nang malinisan ang sarili at inilibot ang paningin sa kusina habang nakaharap siya sa kawali.

"May maluluwag ka bang damit?" tanong niya.

"Ayos na siguro ang ganito," tukoy ko sa suot. "Kapag lumaki na ang tiyan ko, bibili na ako."

Tumango si Cleo at sumandal sa lababo habang sinusundan ako ng tingin hanggang makaupo sa upuan na kaharap ng counter.

"Saan mo nga pala ipinagawa 'yung music box?" segway ko.

"To myself?" may bahid na sarkasmo at bilib sa sarili niyang sinabi.

"Talaga?" pabulong kong sinabi. "Paano?"

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon