"Am I making you uncomfortable?" Mata sa mata niya akong hinuli. "Ayaw mo na bang binabanggit—"
"Oo," putol ko sa kaniya.
Umawang ang labi niya at gumuhit ang mapait na sakit sa kaniyang mga mata.
"Hindi ko alam na tutupad ka sa usapan."
"Hindi ba dapat?" Ngumiti siya, pero naguguluhan pa rin akong tiningnan. "Or am I being shameless right now because I left?"
Umalis ako sa kinauupuan at pinuntahan ang printer. "Sorry, I have to rush this—"
Kinuha niya ang bond papers sa nanginginig kong mga kamay at siya ang naglagay niyon sa printer.
Napapikit ako at sumandal sa lamesa nang palitan niya ako roon, ngunit mabibigat ang naging kilos ni Cleo.
"You can tell me if you already had someone else. Mas maiintindihan ko—"
"Wala," sabat ko. "Wala, Cleo."
"Hindi mo na ako mahal?" I admired how mature she sounded after asking that, but I knew, and it was evident that she was hurting.
"S-sorry..." Hinilamos ko ang mga palad sa aking mukha at pinilit ikalma ang sarili. "I just don't know where to start."
"Then, take it slow. I can wait."
"And I'm not sure..."
"Sure about what?" Napako ang mga mata niya sa akin habang naghihintay ng sagot.
"K-kung nabuntis ako."
Umere ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Matapos ay umiling siya kasabay ng unti-unting pagtutubig ng mga mata niya, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
But that was the truth.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...