Cleo was like a precious gem in her grandpa's perspective. What Sena said is true. Ever since she was a kid, her Grandpa had already started to sculpt her to be the heir.
That was one of the questions that stayed on my mind: whether Cleo would accept the position or not, even though she would never have a choice.
"Sasayangin mo lang ang businesses niyo? He worked hard for centuries just to build it with a good reputation," dugtong ni Sena. "Gusto mong maging piloto, pero paano ang production niyo ng eroplano?"
Nanatili akong walang imik at kibo. Samantalang, napalunok si Tim at uminom ng beer dahil alam na siya ang nagsimula niyon. Ang paningin naman nina Jonary at Kesha, nagpalipat-lipat sa aming tatlo.
"Hayaan mo na, Sena. Baka hindi pa nagde-decide si Cleo," sabi ni Kesha na nakiramdam at sumingit.
"Isa 'yan sa mga dahilan kaya may mga bagay na nagiging komplikado, Cleo. Magdesisyon ka na hangga't maaga pa. Alam kong alam mo na may masasagasaan pagdating ng araw kung magiging undecided ka lang."
Nanatili ang pagyuko ko nang sabihin 'yon ni Sena. I also felt that she looked at me.
"Alam ko ang ginagawa ko," sagot ni Cleo.
Unti-unti akong nag-angat ng paningin sa kanila. Humigpit ang kapit ko sa mga kamay ko.
"Talaga?" ani Sena. "May desisyon ka na?"
"Sena," si Kesha na sinubukan ulit pumigil. "Laro na lang kaya tayo? Truth or dare?"
Umere ang magaspang na katahimikan sa pagitan naming lahat hanggang sa tumango sina Tim at Jonary.
Nakita ko ang bahagyang paglihis ng tingin ni Sena bago siya uminom sa hawak na baso.
Then I looked at Cleo with worry. She just put a soft smile on her lips. Sinenyasan niya akong magtuon ng paningin sa mga kasama.
"Ikot bote na lang," ani Tim. "Ang matapatan, tatanungin. Bahala na kung sino sa 'tin ang gustong magtanong."
Inikot ni Tim ang bote at tumapat 'yon kay Jonary. Agad na pumaskil ang kaba sa mukha niya.
"Truth or dare?"
"Truth."
"Crush," si Kesha. " Sinong crush mo? Hindi kasi 'to nagsasabi, e."
Nagsalubong nang bahagya ang mga kilay ko nang nahihiyang magbaba ng paningin si Jonary, kasabay 'yon ng pag-iwas ng tingin ni Tim sa kaniya.
Heto na naman ang tatlo na may kakaibang kinikilos sa paningin ko.
"Crush lang, so I will answer Tim!" sagot ni Jonary.
Namilog ang labi ko. I didn't expect that Jonary would be straightforward about it!
Natigilan si Kesha, kasabay niyon ang pagkupas nang mapang-asar niyang ngiti sa labi.
Nilingon ko si Cleo na salubong ang mga kilay habang nakatingin sa tatlo at si Sena na siyang nagkaroon nang mapang-asar na ngisi sa labi para kay Kesha.
Naiilang na ngumiti si Tim kay Jonary at napakamot sa batok niya.
Tipid na ngumiti si Jonary.
"Gulat ako, ah?" sabi ni Tim.
Napangiwi na lang ako nang tila ba sinasadyang pabagsak na iikot ni Kesha ang bote para magpatuloy ang laro.
"Backfire," ani Sena.
Paismid nang sumandal si Kesha matapos iikot ang bote at sa akin 'yon tumapat.
"Truth or dare?" si Kesha ulit na host ng laro.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changed when Cleo Lim transferred to her school, a scholar from the girls' soccer team, who showed her a different side of life. August 21...
