BUMAGSAK ANG PANINGIN KO SA SAHIG. In my peripheral vision, I can see Sena leaning by the locker while her arms crossed, hinihintay akong makalapit.
I don't have any choice but to stop in front of them.
Hindi ko pinakita ang hiya at guilt ko nang mag-angat ng paningin sa kanila.
Napailing sa akin si Kesha, habang si Jonary ay nakatingin sa likuran ko, malamang nakatingin kay Cleo.
"Magkasabay kayong nag-arrive?" tanong ni Jonary.
Hindi ako sumagot. Nakakahiya kung sasabihin kong driver namin si Cleo.
"Bakit mo ginan'on si Cleo?"
Nagsalubong ang mga kilay ko nang banggitin ni Kesha ang pangalan ni Cleo. Alam na rin pala niya ang pangalan ng driver ko.
"Cleo?" si Jonary. "Cleo ang pangalan niya? How did you know?"
"Tinanong ko kay Tim," sagot ni Kesha.
"Wow, ah." Hindi ko napigilang mag-react.
Inirapan ako ni Kesha. "Wow, ha? Ano na naman, Awii? Alam mo bawasan mo ang pagiging maldita mo, mas matino pa yata 'yong mga Kinder kaysa sa 'yo."
Inirapan ko rin siya. Gusto ko pa sana siyang sagutin kung hindi lang dumapo ulit ang paningin ni Sena sa akin. I know that she wants to say something about what I did, hindi lang makatiyempo.
"So, bakit nga sabay kayo ni Cleo at bakit mo siya ginan'on?" pangungulit ni Kesha.
"Hindi kami sabay, 'no!" tanggi ko.
Hindi sila nagsalita pagkatapos kong tumanggi, pero halata ring hindi sila naniniwala sa akin.
Umikot ako mula sa pagharap sa kanila para tingnan ang tinitingnan nila, sina Cleo at Tim.
Nagsalubong ang mga kilay ko, iritado na naman sa presensiya ni Cleo. Kahit maglakad lang yata siya, maiinis na ako. Lalo pang nagusot ang mukha ko nang makitang hindi man lang siya umiwas ng tingin sa akin, talagang diretso ang mga mata niya sa mukha ko at hindi mababakasan ng kahit kaunting takot.
"Oh, she looks mad," Jonary commented.
Dahil hindi ko makayanan ang tingin niya, ako na ang umiwas ng tingin.
Won't she accept my offer? I want her gone!
Naudlot ako sa pag-iisip nang makitang huminto sa sahig na tinitingnan ko ang pamilyar na puting sapatos, kahit nilinisan na ay bakas pa roon ang dumi na ginawa ko.
Marahan akong nag-angat ng paningin sa nagmamay-ari niyon nang mapagtanto kung sino 'yon.
"What?" mataray kong tanong.
Sandaling dumapo ang paningin niya sa likuran ko at saka niya inabot ang susi sa akin.
"Anong gagawin ko diyan?" Hindi ko 'yon kinuha sa kaniya.
"May training ako mamaya." Soccer siguro ang tinutukoy niya.
"So what?" ani ko.
I may look awkward right now, but I want her to see that I hate her existence.
Matalim siyang tumingin sa akin. "Para mapanatag ang loob mo na hindi ko nanakawin ang kotse niyo. Hintayin mong matapos ang training ko para mahatid kita pauwi, alam na 'to ni Mr. Givan."
She swiftly threw the keys inside my handbag, maybe she figured out that I would never reach out my hand for her.
After a sharp glance, she left me, hanging my mouth open. Sumunod agad si Tim kay Cleo, sumenyas pa siyang ginigilit ang leeg bago ako lagpasan, hindi nang-aasar, seryoso.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...