Kabanata 14

3.1K 89 12
                                        

Maaga akong ginising ni Cleo. Noong una ayaw ko pa sanang bumangon, pero nang ma-realize na wala ako sa pamamahay ko napilitan ako.

She gave me a cup of milk. Kami na lang ang nasa bahay nila at ang lola niya na natutulog pa, dahil nasa palengke na ang mama at papa niy. Si Closs nasa parlor nila, pinuntahan daw ang tita niya na siyang nagha-handle ng parlor kapag nasa palengke pa ang mama niya.

Her family is productive.

Siguro sa kanila nagmana ng sipag si Cleo.

I was still thinking about what happened last night, pero mukhang hindi naiilang si Cleo kaya nawala rin ang pagkailang ko nang konti.

Hindi ko rin sinasadyang magdampi ang lips namin! Hindi kasi siya umurong!

"What are you cooking?" Nilapitan ko siya.

Nakatalikod sa akin si Cleo. Parehas kaming hindi pa nakakaligo. Sa bahay kasi nila mas nauuna ang breakfast bago ang pagligo, kaya gumaya na lang ako at pinanood siyang magluto.

"Hotdog at itlog," tipid niyang sagot.

Natahimik kami habang nagluluto siya. Mabilis na natapos 'yon kaya ngayon nagsasandok na siya ng kanin at hinahainan ako.

"Cleo, is your foot fine na?" tanong ko nang maalala 'yon.

Sandali siyang natigilan, pero tumango rin at hindi nagsalita saka umupo sa tabi ko.

Nagulat ako nang magkamay siya, at parang wala lang 'yon sa kaniya kaya naisip ko sana gumaya, pero pinigilan niya ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Maghugas ka muna."

Ngumuso ako. "I'm too lazy to do that."

Napabuntonghininga siya. Akala ko kung anong gagawin niya, pero kumuha lang siya ng tabo at nilagyan 'yon ng tubig mula sa lababo.

Inabot niya 'yon sa akin at kunot-noo kong tiningnan 'yon.

"Ah!" Tiningnan ko siya nang masama nang itulak niya ang noo ko nang asta kong iinumin ang nasa tabo. "I'm just kidding!"

Umirap ako at hinugasan ang mga kamay ko.

Hindi siya nagsalita, pero halatang naninibago siya sa akin.

Bakit ba ako nagbibiro sa kaniya? I don't like her nga pala! All of that was just for the performance today. Tapos kagabi... hindi ko sinasadya.

Hindi ko sinasadya ang ginawa ko, pero kay Cleo...

I can still feel how she pulled me closer and how she held my waist.

Uminit ang mga pisngi ko. Umiwas agad ako ng tingin dahil nakatingin na siya sa akin.

"Anong iniisip mo?"

Umiling ako.

I heard her sigh. "Lasing ako kagabi."

Natigilan ako.

"Uminom ako kasama si Papa bago ako naligo... bago ko ayusin ang kuwarto."

Nilunok ko ang bumara na something sa lalamunan ko. I know, I was already expecting that it was just for nothing. Hindi ko man lang na-sense na uminom siya, siguro dahil hindi ako madalas uminom ng alak. Bukod kasi sa bawal sa parents ko, bawal din kay Sena. Kapag gi-gimmick kaming magkakaibigan, cocktail lang ang iniinom ko. Expect for that one night when I was so devastated with my life.

"Hindi ko rin sinasadya 'yong akin!" Nagmadali ako sa pagkain para hindi na magsalita si Cleo.

Narinig ko na lang ang malalim niyang buntonghininga, at napapansin ang madalas na pagsulyap niya sa akin.

Chance Again (Again Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon