Kabanata 46

829 31 33
                                    

"You did the right thing."

Binalingan ako ni Cleo.

"Kailangang mag-focus tayo sa sarili natin, 'cause at the end of the day, we only have ourselves."

"Emotionally independent ka na."

"Ikaw ba, hindi?" tanong ko.

Unti-unting natuyo ang luha ko mula kanina. Bumalik sa payak ang tibok ng puso ko.

Nagkibit-balikat siya. "It depends."

"Saan?"

"Whether I have you or not," sagot niya. "I only put my guard down with you. Sa 'yo lang ako naging komportable."

Tumikhim ako at nag-isip. "Wala ba talagang signal dito?"

Mula sa pagkunot ng noo niya habang nakatingin siya sa akin, napangiti siya.

"Paano tayo makakatawag sa labas?" dugtong ko.

"Hindi lang naman cellphone ang puwedeng ipangtawag," sagot niya. "Pupunta tayo sa bayan ngayon, sinusundo lang kita rito."

"Doon lang tayo tatawag?"

"Aurora," malambing na bulong niya. She took out a walkie-talkie inside her pocket. "Radio check."

Napailing na lang ako nang hindi niya alisin ang paningin sa akin habang sinusubukan iyon, tila ba nang-aasar at may pinatutunayan.

"Always ready, Ma'am." Kumindat siya.

What I did was walk out and wait for her downstairs. Tanghali na kasi at mukhang magbabangka pa kami papunta sa bayan.

Bumaba si Cleo nang nakapamulsa sa suot na pantalon. She's also wearing a white polo and a black swimsuit underneath.

Sa tangkad niya, nagmumukha na siyang beauty queen sa style niya.

I waited for her until she was in front and towering over me.

"Ilang oras kaya tayo?" tanong ko.

"Mabilis lang, may speed boat sa tapat."

"Parang hindi ka piloto," biro ko. "Daig mo pa ang businesswoman sa dami ng property mo."

"Should I take my grandfather's offer and lead our businesses?"

Biro iyon para sa kaniya—pero hindi ganoon ang naging tunog niyon pagdating sa akin. Mukhang ilang beses na siyang kinulit ni Chairman Lim, at siya lang talaga ang gusto nitong magmana.

Mayroon silang planta na gumagawa ng parte ng mga eroplano, nasa China ang main branch at sa iba't ibang bansa may sister company ang mga Lim. Bukod pa roon ang investments nila sa ibang industriya at ang mga establisiyemento na sila ang nagpapatakbo.

While my family had airlines and investments. Sinubukan ni Grandma pasukin ang food industry, tingin ko naman maayos ang takbo niyon ngayon dahil lalo siyang naging busy. Masaya siya tuwing ikinukuwento iyon sa akin.

She also asked for me to inherit it, but I said no because I was already happy and contented to teach in Kindergarten.

Naglakad kami palabas ng mansiyon. Ilang sandali lamang, nasa pampang na kami. Cleo checked first if it would work well and called someone over her walkie-talkie.

"Kaya ko na," pilit ko nang akma siyang tatalon pababa sa bangka para tulungan akong umakyat.

I attempted four times until Cleo let out a sweet and soft chuckle.

Bumaba siya sa tubig at maagap na inalalayan ang beywang ko.

It was hard to climb up the boat's ladder because it's unstable! Napahiya pa ako kay Cleo.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon