Araw-araw mas dinadagdagan ko ang aking sipag. Actually, it's not just Cleo who's stopping me from doing chores—even her parents. I just think that it was the right thing to do, makatutulong din naman sa akin iyon sa oras na lumipat na kami sa apartment na sinasabi ni Cleo. Para kahit kami na lang dalawa, maaasahan niya ako sa gawaing bahay.
Pagluluto na lang talaga ang hindi ko magawa. It takes time to learn. Matututo rin ako.
Hindi pa bumabalik si Olivia. Siguro, nagbabakasiyon pa rin ito dahil hindi pa tapos ang semestral break. Samantalang, si Cleo, araw-araw pa ring nagtatrabaho at halos late nang umuuwi. And I am starting to get worried about her health.
"Cleo," tawag ko sa kaniya.
Ala-singko pa lang, maaga na akong nagigising kaya nakikita ko ang paghahanda niya sa trabaho, gaya ngayon.
"What if I look for a job na rin?" tanong ko.
Huminto siya sa pagsusuot ng jacket. "Para saan?"
"Kasi..."
"If it has something to do with me. Hindi, Aurora. Dito ka na lang sa bahay." Lumapit siya sa akin para halikan ako sa a noo. "Huwag mong iisipin ang mga ganitong bagay. Mag-review ka na lang para maalala mo ang lessons pagkatapos ng bakasiyon."
I bit the inside of my cheeks.
Naiintindihan kong ayaw niyang magtrabaho ako dahil alam niyang wala akong alam sa ganoon, but I am willing to learn.
Ayaw kong pinapanood lang siyang magtrabaho. Dahil ngayon, alam kong doble ang pera na ibinibigay ni Cleo sa parents niya simula nang madagdag ako rito.
"I love you." Marahan niya akong hinalikan sa labi. "Ako na ang maglalaba ng damit natin bukas, huwag mo nang pakikialaman."
Ngumuso ako. "Kaya ko naman, and you have a washing machine. Hindi mabigat na work, Cleo."
"Huwag makulit, Aurora." Inayos niya ang bag na dadalhin. Naglagay rin ako ng pamalit niya roon in case na mapawisan o madumihan siya.
"Tayo na lang dalawa bukas!" Natawa ako nang sumimangot siya lalo pero wala naman siyang sinabi. "Ingat, love! I love you!"
Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate. Pagkatapos, pumasok na ako sa loob para magsaing.
Mas maaga kaming nagising sa parents ni Cleo, kaya naabutan ko silang kagigising lang.
"Nakaalis na si Cleo?" tanong ni Tita Eunice.
"Opo, Tita." Tipid akong ngumiti at nag-focus sa paghuhugas ng mga pinggan.
"Huwag mo sanang mamasamain, Aurora. Nag-aalala na lang din ako sa 'yo, dahil alam ko namang hindi ka sanay sa ganito." Mukhang alam ko na kung saan ito patungo. "Pero hindi ka ba napapagod dito sa bahay? Tingnan mo, pati iyan ay ikaw ang gumagawa."
"Ayos lang sa akin, Tita. I can do this even every day po."
"Kung ganoon, ganiyan ka kadesidido na hindi na bumalik sa pamilya mo?" ani Tito Joaquin.
Hindi ako nakasagot, pero oo ang sagot ko.
Lumapit sa akin si Tita Eunice at marahan niyang hinaplos ang braso ko. "Anak, gaano mo kamahal si Cleo?" At hindi ko inaasahang itatanong niya sa akin iyon.
Nagtagal ang paningin ko sa kanila bago makasagot.
Sinunod ko ang sinabi ni Cleo kaninang umaga, na magbasa basa ako ng mga nakaraang lesson dahil matapos ang semestral break, may klase na kami ulit.
I was afraid and anxious to go to school because of how I was doing right now. May nakakaalam na ba sa nangyari? Will they judge me?
Mariin kong kinagat ang labi bago bumangon mula sa pagdapa sa kama matapos kong magbasa.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...