IN OUR TENTH GRADE, medyo naiilang pa sina Jonary at Kesha kay Sena. By that time I knew that I shouldn't anymore, dahil sa loob ng isang taon ay nakayanan ko siyang kabisaduhin.
"I baked you a box of cupcakes, Sena!" Nakangiti kong inabot sa kaniya ang kahon ng cupcakes na ginawa ko kagabi.
I know how surprised she was at that time.
First day of school kasi noon at ang aga ng surprise ko. Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya naisip ko na lang na ipag-bake si Sena. Last out of town kasi naming apat noong summer vacation, nagustuhan niya ang home-made cupcake na meron sa kinainan namin. Because I wanted to see her smile again like the last time, I baked her a lot.
Naging mabagal ang pagkuha niya niyon mula sa akin, pero hindi nawala ang malawak kong ngiti para sa kaniya.
She examined the personalized box, matapos ay nag-angat siya ng paningin sa akin.
It happened exactly in that locker. How she shyly smiled and turned red while Kesha and Jonary teased her because she's the only one who experienced that because I am never sweet to anyone. Now she's there, she almost fainted because of a reason that I don't even know.
Matapos kong ma-stuck dahil sa pagkabigla, tumakbo agad ako papunta kay Sena. Nakaalalay sina Kesha at Jonary sa kaniya. It's only Cleo who's carrying her weight. May students din na nanood sa nangyari, nagbubulungan at naiintriga.
"S-sena," tawag ko.
Naramdaman ko ang pagtingin ni Cleo sa akin sulok ng kaniyang mga mata, pero hindi ko 'yon pinansin.
A few seconds later, tila natauhan si Sena at nakaya nang tumayo mag-isa, pero naroon pa rin ang pag-aalala namin.
I also spot how she looked at Cleo, parang galit pa siya na tinulungan siya nito.
"Did you eat ba, Sena?" si Jonary ang nagtanong.
Tipid na ngumiti si Sena. "I'm okay, don't worry."
Ang atensiyon ko ay na kay Cleo lang kaya nakita ko kahit ang pasiring na pag-iwas niya ng tingin matapos ng sinabi ni Sena.
Sandaling natama ang mga mata namin bago niya binalingan si Sena.
I don't know how to react to it.
"Dumaan ka sa clinic bago ka pumasok sa klase."
Nanumbalik ang malamig ngunit matalim na tingin ni Sena kay Cleo.
I thought Sena would answer Cleo, para hindi magmukhang bastos, but I was surprised that Sena talked to me instead of Cleo.
"Let's go," she said.
Umawang ang labi ko. Gusto kong sumang-ayon kay Cleo, pero tumalikod na si Sena para umalis na inaasahang susunod kami.
Hindi pa man namin nagagawa ay nagsalita na ulit si Cleo. "You skipped your meds."
Tuluyan akong naiwang nakalutang sa ere.
Sena is taking medications?
"May iniinom kang gamot? Para saan?" si Kesha ang nagtanong.
But like what I expected, hindi sumagot si Sena.
The thing that I didn't expect was how she held my wrist to pull me through the hallway. Dahil sa gulat ay nagpadala na lang ako habang tinitingnan si Cleo at ang ilang estudyante na naiwan doon dahil sumunod na sina Jonary at Kesha sa amin—na gaya ko ay naguguluhan sa nangyayari.
"Don't look back," mahina at mariin ang pagkakasabi ni Sena niyon, sapat na para ako lang ang makarinig.
Like what happened Yesterday, the awkwardness wrapped us again. Kesha and Jonary were as curious as me; the three of us chose to stay quiet, hoping that Sena would explain what happened to her.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...