Kabanata 06

991 37 7
                                    

KADALASAN, ANG MGA TAONG TAHIMIK at malamig daw ay mabigat ang pinapasan. They had no choice but to keep going—and I hate how my mind works when I was young, when I first met her.

"Uuwi na tayo, utos ng daddy mo."

Umawang ang labi ko sa sinabi ni Cleo.

Anong inaasahan ko sa kaniya? Ganito niya yata talaga kaayaw sa akin, pero ayaw niya ba ng libre?

"Kahit two hours lang? I know my parents' schedule. Hindi sila uuwi nang ganito kaaga para lang sa dinner."

Umiwas siya ng tingin.

"Come on, I need to buy a new bag—"

"You had a lot." Nanatili ang pagiging seryoso ng boses niya. "Hindi mo na kailangan ng iba pa."

Bumagsak ang mga balikat ko. "Look, gusto lang kitang ibili ng uniform kaya kita inaaya. After that, uuwi na tayo agad."

I put on my puppy eyes to her, but she ended up rolling her eyes at me as she avoided her gaze.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko, saka ako padabog na umayos sa pag-upo mula sa pagpapa-cute kanina.

How dare she roll her eyes at me? Am I not cute?

Matapos ang marahas na paghinga dahil sa hindi pag-ubra ng tactics ko sa kaniya, tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

"Sandali lang tayo."

Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang nilingon nang marinig ang sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala! It only means that my charm worked!

Nakakaloko akong ngumiti sa kaniya. I looked at her like she was the most adorable thing I had seen today.

Nag-angat siya ng kilay sa akin, matapos ay inayos ang suot na sombrero gamit ang isang kamay.

"I'm just excited!" depensa ko, baka kasi ma-overload siya dahil sobrang cute ko na.

Mabilis kaming nakarating sa mall dahil same way lang naman 'yon papunta sa bahay namin. Nauna agad ako sa entrance. Nainis pa ako nang makitang halos dalawang metro ang layo ni Cleo mula sa akin na para bang kinahihiya niyang kasama ako.

Ngumuso ako at naghanap na lang ng unang pupuntahan.

"Ano ba? Hurry!" bulong ko.

Pasiring siyang umiwas ng tingin at nakapamulsang naglakad palapit sa akin.

"Ang sabi mo, bibili ka lang ng bag mo," paalala niya.

Nagsalubong agad ang mga kilay ko. "Oo nga! But this movie looks good! Two hours lang this, please?" I put my palms together.

Muli siyang umiwas ng tingin.

Hindi siya payag.

"I'll give you money, payag ka na ba?" dugtong ko.

Mas sumama ang tingin niya sa akin.

Lalo namang humaba ang nguso ko.

She stared at me like I was really stupid.

Muling bumagsak ang mga balikat ko.

Siguro, hindi lang talaga siya mahilig sa movies.

Bumaba ang paningin ko sa puti niyang sapatos. Malinis na 'yon kaya mukha nang bago. However, it wasn't from an expensive brand.

"Fine..." Nagkunwari akong malungkot. "Sige, dito na lang."

Hinawakan ko ang pulso niya para sana hilain siya sa tindahan ng mga sapatos nang marahas niyang hilain pabalik ang kamay niya.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon