Kabanata 42

1.3K 34 36
                                    

As I promised, I made sure that Cleo would be the last woman that I would love.

Hindi rin naman naging mahirap dahil sa lahat ng nakilala ko, walang nakapantay sa kaniya.

Wala akong ginawa simula nang makasalamuha ng ibang mga babae, kundi hanapin si Cleo sa kanila—umaasang may mahahanap akong gaya niya, para hindi na nakakalungkot, para hindi na nakakabaliw.

Pero wala, siya pa rin.

Siya lang ang gusto kong mahalin.

Ayaw kong magbigay ng tsansa sa iba.

Dahil para sa akin, sa kaniya pa rin ako kahit na wala siya sa paningin ko.

Ngunit nagbago rin iyon nang dumaan ang mga araw, linggo, buwan, at taon.

Mag-isa na lang ako.

Parang niloloko ko na lamang ang sarili ko para lang hindi ako makaramdam ng lungkot.

I felt like I was wasting my youth by counting hours and days, on when she'll be back in my arms—and back in our home.

"Tim?" Nakita ko siya sa hallway. I wasn't expecting this!

Ilang linggo na kasi simula nang pumasok ako sa campus, ngayon ko lang siya nakita. May suot siyang ID kaya tingin ko, dito rin nag-aaral si Tim.

First-year na kami, with new steps to take.

Natuwa lang ako.

"Uy!" Binuksan ni Tim ang mga braso niya para mayakap ko siya. "Nakapasa ka? Sorry, naging busy. Hindi na updated sa mga nangyayari."

Napangiti ako nang may mapansin sa kaniya. "Contact lens? Wow, you look pretty na!"

"Yuck!" Kontra niya na agad natawa.

"Real nga! Maganda pala ang eyes mo."

"Naku, tama na baka lumaki pa ulo ko." Sandali niyang nilibot ang mga mata sa paligid. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi niya, marahil nang may mapagtanto. "Wala ka pang friends?"

Sinubukan kong pigilan ang paghaba ng nguso ko at bahagyang lumayo sa kaniya. "Nahihiya ako, e. At saka, lahat pala ng college students dito parang busy. Wala yata silang time para makipag-usap."

"May nagsungit sa 'yo?" tanong niya.

Marahan akong tumango.

"Sa freshies, lumapit ka na? Mas madali makipag-usap sa mga freshmen, like us kasi, need din ng mga 'yan ng companion."

"May mga companion na kasi sila," sagot ko. "My classmates have groups already. Ang hirap na makisali. Hays, I wish my friends were here."

"Nag-private sila?" ani Tim.

"Tungkol sa Multimedia Arts kasi ang gustong program nina Kesha at Jonary. Sa Clintton's na sila tumuloy." Nagbaba ako ng paningin sa sementadong sahig ng hallway at tinanaw ang field na nasa kaliwa ko at kanan ni Tim. "'Di bale, I'll make sure na kapag nagkita tayo ulit, may friends na ako!"

Tipid na ngumiti si Tim. "Sabay ka muna kumain sa akin ngayon, wala ka pa namang friends kaya sa akin ka muna dumikit. Tara?"

"Vacant mo ba?" tanong ko.

Tumango agad si Tim at inakbayan ako para madaling maakay sa canteen.

May ilan pang bumati sa kaniya nang makadaan kami sa isang lamesa. Apat na lalaki at dalawang babae ang naroon, nakipagbiruan din siya sa mga ito.

Mukhang mas lumabas ang pagiging extrovert ni Tim nang mahalo sa mga mature at hindi sensitive na estudyante, tipo ng mga kayang sumabay sa biro. Hindi gaya noong nasa Rotherwoods kami, kung saan kasama ako sa mga mabababaw na taong nakasalamuha niya.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon