Kabanata 30

965 36 4
                                    

We head back home and I pretended like nothing happened. Kahit nakailang tanong at kahit sigurado pa siya, paulit-ulit ko pa ring itinatanggi na umiyak ako, hanggang sa tumigil siya pero nang makasakay kami sa motor niya at sa pag-uwi, naroon ang nakakunot niyang noo at malungkot niyang mga mata.

Parehas kaming nag-half bath. Nauna siya, kaya nang matapos ako ay nadatnan ko agad siyang nakaupo sa kama, halatang hinihintay ako.

I pouted at her. Naiiling naman niya akong sinenyasan na lumapit sa kaniya. I object to her and sit on her lap sideways.

"I'm sorry," sabi ko.

"Ulit?" At sinabi niya iyon na para bang hindi na ako dapat humingi ng sorry.

"Because I lied, kanina. I cried." Ibinaba ko ang towel na ginamit sa sariling kanlungan. Bumaba ang paningin ko roon, ganoon na rin siya. "Sabi kasi ni Ma'am..."

"Anong sinabi?" Kumunot ang noo niya, parang dumadalas yata.

Mas humaba ang nguso ko, saka dinala ang aking mga kamay sa kilay niyang magkasalubong at minasahe iyon para magkahiwalay.

"I am not mad naman, just hurt. Kasi sabi niya, dapat daw hindi tayo nag-live in dahil bawal daw, and because we are both girls," pagpapatuloy ko.

Naghiwalay nga ang mga kilay niya dahil sa ginawa kong pagmasahe pero naroon pa rin ang naaawa at nasasaktan niyang titig para sa akin.

Samantalang, pilit akong ngumiti kahit may lungkot sa sariling mga mata.

"I'm okay na, love."

Naramdaman ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga na tila may pinipigilang emosyon bago siya umiwas ng tingin.

Then, she caressed my waist. "Hindi mo agad sinabi, sana ay nakausap ko siya."

Agad akong umiling. "I told you, oh!" Umakto akong masigla. "Nabigla lang ako kasi hindi ako sanay na gano'n sila mag-talk sa akin."

She put her hands on the side of my head to push me to her and kiss me on my forehead.

"Kakausapin ko pa rin," pilit niya.

Sumama agad ang mukha ko. What if, ipahamak niya lang ang sarili niya? And I know this is bad, to not trust her. Nag-aalala lang ako na pati siya, masabihan nang ganoon.

Pagkatapos naming mag-usap, sumabay na kaming mag-dinner sa family niya. Naroon muli ang kakaibang awra sa hapag, marahil halata na namumugto ang mga mata ko. Sana, hindi nila mapagkamalan na ang anak nila ang may gawa nito.

"Lilipat na kayo sa Sabado," ani Tito Joaquin. "Kapag may kailangan at kahit magkabukod na ng bahay, magsasabi pa rin, ha? Hindi sa lahat nang panahon, kaya niyong kayo lang."

Tumango si Cleo bago sandaling bumaling sa akin. "Opo, 'Pa."

"At saka, bibisita kami roon," ani Tita Eunice.

"Sige po," muli niyang sagot.

"At kapag hindi na kayang bumukod, puwedeng bumalik dito—"

"Pa," si Cleo. "Napag-usapan na po natin 'to."

"Alam ko, Cleo. Kapag lang naman, mas maiging alam ninyo na may mababalikan kayo."

"Mas maiging hindi para matuto."

Nagkibit-balikat ang papa niya, suko na sa prinsipyo ng anak. Natapos ang hapunan at heto ako, hinihintay na matapos magkuwenta si Cleo para sabay na kaming matulog.

Mukhang magiging hobby ko na ang panoorin siya.

Nakagat ko tuloy ang labi ko nang maalala ang nangyari noong huli ko siyang panoorin sa lamesang iyon.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon