Kabanata 50

1.2K 50 17
                                    

It was a fine day in December. Galing ako sa canteen ng eskuwelahan nang magtanghalian. Hindi kasi ako nakakain ng agahan kaya nagutom ako.

Inayos ko ang butones ng uniporme kong pangguro. Siguro ipapaayos ko na lang sa Sabado, ilang araw na lang naman, para hindi na ganito kaluwag.

"Good morning, Teacher Awii!"

Naglalakad ako sa pathway nang tawagin ng pamilyar na boses. Nang lingunin ko ang likuran, si Chloe na kumakaway sa akin ang nakita ko.

Grade two na siya ngayong taon at hindi pa rin nakalilimutang batiin ako sa tuwing makikita, ganoon na rin ang mga batang ka-batch niya na naging guro ako noong Kinder.

"Good afternoon, Chloe," tinama ko siya.

Napakamot sa ulo ang bata at saka tumakbo matapos tumungo nang mag-bell.

Nagmadali ako sa pagbalik sa classroom ko dahil si Brian ang pinagbantay ko sa mga bata. Pumayag naman siya isang sabi ko lang na gutom na ako.

Nang mamataan ako sa pintuan, kusang umayos ang aking mga estudyante sa kaniya-kaniya nilang upuan.

"Mukhang diretso uwi ka, Ma'am?" ani Brian na sinalubong ako sa pintuan matapos magpaalam sa mga bata. "Ako rin, e. Alam mo na, kabuwanan ni Misis."

Tinapik ko ang balikat niya. "Salamat sa pagbantay."

Ilang sandali lamang at nagsimula na akong magklase. Mabilis na lumipas ang oras at hinintay kong isa-isang sunduin ng parents ang mga estudyante ko.

Sumandal ako sa pintuan habang paulit-ulit na tinitingnan ang relo ko. Gusto ko na ring makauwi dahil may kukunin pa ako.

Kinawayan ko ang huling bata na sinundo ng Yaya nito. Doon na ako nag-ayos ng gamit para makaalis na.

Mabilis akong nakasakay ng taxi at nakarating sa mansiyon ng mga magulang ko.

Sa pintuan pa lang, nakita ko nang nilalaro nina Mom at Dad si Autumn. Panay ang tawa nito sa tuwing binubuhat ni Dad at pinalalakad ni Mommy sa gawi niya.

Nang mapansin ako nito, mabilis itong lumakad nang natutumba-tumba pa.

"Mommy!"

Sinalo ko si Autumn at binuhat. Palibhasa alagang-alaga namin, maging ng pamilya ni Edwin tuwing nasa kanila ang anak namin, lumaki itong malusog at masigla.

"Ang aga mo, Aurora?" ani Mommy.

"Dumaan dito si Edwin," balita rin ni Dad.

"Sa susunod na linggo sa kanila na raw muna si Autumn para sa Christmas Vacation sa atin siya." Nginitian ko ang anak kong walang alam sa pinag-uusapan namin.

"Kaya mo pa ba ang co-parenting na 'yan?"

"Wala naman pong problema sa 'min ni Ed," sagot ko kay Mommy.

"May party nga pala si Sena, baka nagpadala na rin siya ng invitation sa 'yo." Kinuha ni Mommy ang envelope sa coffee table para maipakita sa akin. "Hindi na lang kami pupunta. Sabado naman 'yon, wala kang pasok. Pumunta ka at kami na lang muna ang magbabantay kay Autumn habang hindi pa kinukuha ni Edwin."

"Hindi na lang po," tanggi ko. "Para makasama ko ang cute naming baby."

Tumawa si Autumn nang kilitiin ko.

"Puro ka na lang kasi trabaho," ani Daddy. "Bibigyan na lang kita ng stocks sa kompaniya."

Nakanguso akong umiling. "Bibilhin ko na lang po kung io-offer niyo pa."

Biniro ako ng dalawa.

"May ipon ako!" patol ko.

"O sige, basta next year, subukan mo nang pasukin ang field namin ng Grandma mo."

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon