May mga bagay na inililihim, ngunit hindi rin lahat ay dapat manatiling nakatago at ipagkait. It could cause chaos in the future if left unsaid.
Binalot ako nang pagtataka nang wala pa ring matanggap na reply mula kay Sena. Hindi siya sumagot sa mga tawag ko kaya tinadtad ko siya ng texts, but I still received nothing.
So I dialed Jonary's number instead.
"Nakausap mo ba si Sena today?" Dumiretso agad ako sa gusto kong malaman.
"Uh... nope? Why?"
"She isn't answering my calls," sabi ko.
Natagalan bago sumagot si Jonary, nag-iisip.
"Baka busy, kasi aalis na siya tomorrow?"
I bit my lip.
Kung anu-ano nga siguro ang naiisip ko. Maybe Sena is busy packing her things for tomorrow. Pero dahil makulit ako, naligo ako at nagbihis para puntahan siya. Nagpahatid ako kay Mang Mario, at ilang minuto lang ay nasa gate na ako ng bahay nila.
"Ma'am, Awii? Ikaw pala 'yan." Pinagbuksan agad ako ng guard.
Ngumiti ako. "Sena's home, right?"
Tumango ang ito. "Oo, Ma'am. May bisita rin siya sa loob."
Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko. May bisita siya? Why didn't she tell me? Maiintindihan ko namang busy siya dahil may bisita.
Sabagay, hindi required na mag-update every time si Sena para lang hindi ako mag-overthink. Hindi lang siguro ako sanay na unresponsive siya pagdating sa akin.
Pumasok ako sa loob. I felt something odd while I was getting nearer to the front door.
And I was surprised at who I saw.
"Watch your actions, Cleo." Boses iyon ni Sena. "Have some decency." At napahinto siya pagsasalita nang mapansin na nasa front door na ako, bakas pa ang gulat sa mga mata.
While I have no idea why they are together and why Sena said that.
"Sena..." Naiilang akong ngumiti. I felt like I interrupted them when I arrived.
At anong ginagawa ni Cleo rito?
I mean, hindi ako stupid. I know that she must be here to bid farewell to Sena.
"Awii," Sena greeted using her typical tone. "Why are you here?"
Naningkit ang mga mata ko nang mapansing maputla si Sena. Sandali kong binalingan si Cleo.
Dito siya dumiretso after ng work niya sa house namin?
I don't know why I wanted to burst right now because of what's going on in my mind.
Si Cleo at Sena, ano ba talaga sila?
Nag-iwas ako ng paningin nang tumayo si Cleo mula pag-upo sa sofa.
"K-kasi, hindi mo sinasagot ang calls ko," ani ko. "Magpapaturo sana ako sa Math. And I called you a lot of times."
Umawang ang labi ni Sena. "I can teach you here, I'm sorry."
Naningkit ang mga mata ni Cleo habang pinagmamasdan si Sena. And it seems like, she feels strange after hearing Sena's apology.
"N-no." Hindi ko makuha kung bakit sobra ang pagkailang na nararamdaman ko ngayon. Maybe it's because of the atmosphere here. "Cleo taught me na, and you're here pala?" Binalingan ko si Cleo.
Nagkatinginan sila ni Sena.
Nanatiling walang gana ang mukha ni Cleo. Samantalang, naroon ang inis sa mukha ni Sena.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...