What happened is like a scene from a movie, how she ran with me and how we held hands, while she took me away from everything. Nang mga oras na iyon ay hindi ko na naisip kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos niyon. All that I know is that I am so happy to be with her, kahit na wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin.
Humigpit ang yakap ko sa beywang niya habang unti-unting bumibilis ang pag-andar ng motor niya.
Pinalis ko ang natuyong luha mula kanina.
I was amazed by her pretty face as I looked at the side mirror where her reflection was. Her emotion seems blank, but there's no fear and regret plastered.
Matagal ang biyahe namin, namalayan ko na lang na nakarating na kami nang ihinto niya iyon sa tapat ng isang signage kung saan may nakalagay na pangalan.
A river? The narrow way leads to a river. It does make sense. Mapuno na kasi sa parteng ito.
"Dito tayo."
Akala ko, sa bahay niya lang nila ako dadalhin. Hindi naman ako nagrereklamo na rito niya ako dinala. I was just confused.
"Hindi kita dinala sa bahay. It will be easy for them to follow us."
Tumango ako nang maintindihan ang dahilan niya.
"It was much safer here," she assured.
Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Inabot ko agad iyon matapos nang tipid na ngiti ko sa kaniya.
It's weird to see and realize that we are still wearing our uniforms and costumes. Hindi ako nakapagbihis kanina dahil dumating si Sena. Now I am still wearing my ballet dress in lavender color and my champagne-colored shoes. Tapos si Cleo, nakapulang soccer uniform.
I bit my lip.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaba ko, siguro ay dala ng pananabik at saya.
I didn't even imagine that we could be like this, we could be together with calmness as we walk along a path.
Concrete ang daan papunta roon, pero napalilibutan nang iba't-ibang puno. Hindi rin ganoon kahaba ang lakarin sa looban dahil ilang hakbang ay mga bato na lang ang nakikita ko.
"You've been here?" tanong ko.
"Yes..." Inalalayan niya ako na umakyat sa malaking bato.
Namangha ako nang makatungtong doon dahil ngayon ay nakikita ko na ang malinaw na ilog.
On which part of the Earth are we right now? I didn't even know that a place like this existed in our town.
Sinenyasan niya akong maupo, agad naman akong sumunod sa kaniya.
"Do you think Sena will tell my Dad to do something about us?" Binuksan ko ang usapan.
Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Cleo saka siya tumingin sa malayo.
"Maybe," she answered.
Napabuntong-hininga ako at sandaling tumahimik, ganoon na rin siya kung hindi lang may pumasok sa isipan ko.
Ngumuso ako. "You are fluent in English, kahit na..."
"Mahirap ako?" Bahagya siyang natawa.
Mas humaba ang nguso ko. I mean, wala nang ibang paraan para itanong iyon. And I didn't mean to offend her. Hindi rin naman siya mukhang na-offend.
"My Grandfather used to take me to their mansion when I was a kid. Kahit na hindi sila magkasundo ng parents ko, hindi ako ipinagkait ni Papa. He hired an English tutor for me, para kapag pumupunta ako roon ay matuturuan ako ng mga wala sa mga public schools—according to him," kaswal niyang ikuwinento iyon. "Kahit na walang masama mag-aral sa public school. I became somewhat fluent, and got used to it."
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...