"I don't love you anymore."
Mabilis na nalanta ang ngiti ni Cleo matapos niyang marinig iyon mula kay Sena. Hindi na nagtagal ang kaniyang girlfriend-o ex-girlfriend, iniwan na siya nito agad sa restaurant, sa araw na sana para sa date nila ngayong buwan.
Hindi niya iyon inasahan at talagang nasaktan siya. Si Sena pa lamang ang minahal niya ng ganito.
Sena was her dream girl.
"Lilipat ka ika mo sa Rotherwoods?" Natatawang umiling ang lolo niya nang sadyain niya ito sa opisina nito para magpaalam. Sa lahat kasi ng bagay na gagawin niya, nangako siyang ipapaalam niya rito. "Cleo Xiang, graduating ka na ng senior high school. Right after, sasama ka sa Tita mo para sa ibang bansa kayo magkolehiyo ni Ashley."
"Grandpa," sa tinig niyang nakikiusap. "Ito lang po, sasama ako pagkatapos."
"Dahil na naman ba ito kay Senaia Sanchez?"
Hindi siya nakagalaw.
"Siya ba ang ipupunta mo sa eskuwelahang iyon? Nahihibang ka na."
"Just give me this year, and I will do whatever you want me to do for my future. Wo baozheng," pangako niya sa kanilang lengguwahe.
After begging, finally, Chairman Lim let her transfer. Hindi naging mahirap ang paglilipat niya, ang pinagkaiba lamang, hindi nawala ang pagtataka sa mga taong nakaalam sa kaniyang desisyon.
A stockholder of Rotherwoods also offered her a scholarship after finding out that she's a soccer player at Clitton's.
Siguro, tatlong trabaho na lang ang kailangan niya para sa mga gastusin.
Summer vacation naman at makapag-iipon pa siya. Sabi rin ni Tim, puwede siyang sumali sa dance troupe ng Rotherwoods, dagdag incentives.
Nakahanap na siya ng trabaho sa restaurant malapit sa bayan. Hardinero na rin siya sa mga Givan. Ang alam niya, gustong kasosyo ng lolo niya sa trabaho ang padre de pamilya ng mga ito, hindi pa lamang naliligawan.
Balita niya ay may shares ang mga ito sa Rotherwoods at may airlines, bigatin.
"Kumusta ka naman diyan, Cleo?" ani Aling Eloy sa kaniya. Paminsan-minsan siya nitong binibisita at dinadalhan ng merienda kahit panay ang pagtanggi niya. "Kung naiinitan ka na't napapagod, libre magpahinga! Uso ang heatstroke ngayon!"
"Ayos lang po ako," sagot niya.
Nagpatuloy siya sa pagtatanim ng mga halaman at ilang bulaklak, mayamaya rin ay huhugisan niya na ang mayabong na halaman malapit sa swimming pool.
"Ang bata at ang ganda mong hardinera, may asawa ka na?"
Bahagya siyang nagulat. "Wala po, estudyante pa lang."
"Boyfriend? Ay, mukhang alam ko na 'yan!"
Napangiti lang siya at hindi nakasagot. Hindi sinasadyang nakita niya ang maputing babae na lumabas sa mansiyon at naupo sa mga lamesa.
"Panganay 'yan ng mga Givan." Matapos sabihin iyon, umalis si Aling Eloy sa tabi niya para puntahan ang tinutukoy.
Mabilis siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Pinuntahan niya na ang halaman na ihuhugis niya malapit sa mga ito.
Kahit naman hindi siya nakatingin, nararamdaman niya ang pagtitig ng babaeng iyon sa kaniya. Malakas ang pakiramdam niya.
Ang totoo, medyo umasa siyang lalapitan siya nito at kakausapin matapos ng ginawa nito sa kaniya noong nakaraang linggo.
Inasahan niya nang makikita niya ang panganay ng mga Givan sa Rotherwoods, natutulala lang talaga siya kapag nakikita niya ito.
Hindi niya kasi maitangging maganda ito.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...