Kabanata 41

1.3K 45 48
                                    

Anyone can do anything just for the person they love, but we have limits. Walang may alam kung hanggang saan aabot ang pagmamahal ng isang tao—kundi ang taong iyon lamang.

I didn't know that this day would come and Cleo would be back. Masyado akong negatibo at dinala ko iyon simula nang umalis siya, imbis na tingnan ang mga bagay na iniwan niyang sumisimbolo sa kaniyang pangako.

Wala akong ibang nararamdaman simula nang bumalik siya kundi hiya. What if she actually stayed loyal to me despite our distance? And she waited for this moment like what she said because she wanted to be with me again. Even though a lot of years already passed, she still considered the apartment as our home because she was so sure that she would grant her promise.

I hate myself for this.

Ilang sandali lang, bumalik na ang apat at nadatnang natutulog sa balikat ko si Cleo.

Tahimik naman sila at hindi nang-asar pero naroon ang iba't ibang emosyon na nagpapakita sa mukha nila: pinaghalong tuwa, malalim na lungkot, at panghihinayang.

Dahil totoo ang iniisip nila, kung hindi kami naghiwalay ni Cleo, baka araw-araw ay ganito kami at naaalalayan ang isa't isa.

It was true that it was hard without her because I was still looking for her guide for the past years. At nang manuot sa akin na kailangan ko nang kumilos nang wala siya, ibinangon ko ang sarili gamit ang mga aral na natutunan sa kaniya.

Naniniwala na tuloy akong pagod talaga siya.

"May flight 'yan kanina," ani Tim. "Baka wala pang tulog."

Tumango ang tatlo. Samantalang, nanatiling mahimbing ang tulog ni Cleo sa balikat ko.

"Pasensiya na, Awii."

Marahan akong umiling kay Tim para hindi magalaw si Cleo.

"Sa 'itsura niyo tuloy parang kahapon lang kayong naghiwalay ni Cleo." Napangiti si Kesha. "Wala akong nakikitang gap between the both of you."

Mula sa gilid ng aking mga mata ay pasimple kong tiningnan si Cleo.

"I hope, magkabalikan kayo—"

"Jonary," saway ni Sena.

Hindi ako kumibo kahit hindi nagustuhan ang komento ni Jonary.

"Sa apartment mo matutulog?" si Sena na tinutukoy si Cleo.

Tumango ako. "Gusto niya raw bumisita."

"Baka ibang bisita gawin niyan, ha?" Natatawang pang-aasar ni Kesha.

Natawa na rin sina Tim at Jonary, maliban kay Sena na nakangisi at napailing na lang.

Halos isang oras kaming nagtagal sa bar bago nagkaayaan na umuwi na dahil pareparehas pang may gagawin kinabukasan, at nang magising din si Cleo ay nagsabi siyang uuwi na kami dahil may gagawin pa ako. Hindi naman nahinto sa pang-aasar ang mga kaibigan namin hanggang sa makasakay kami sa kotse ni Cleo.

Hindi masyadong malayo ang lugar mula sa apartment kaya ilang minuto lang ay nakarating na kami roon. Ewan ko ba, pero nang makababa at makapasok kami sa gate, saka lang ako dinaluyan ng kaba.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon