Naglaho ang lahat ng mga oras na iyon na parang isang panaginip. Wala na akong Cleo. And I had no choice but to continue my life while watching her go. Isa pa, may pangako kami para sa isa't isa.
But if I were to be honest? Sa kalahating porsiyento ay hindi ko iyon pinanghawakan. Time will come and one of us might outgrow each other.
"Gusto mo bang pumunta ako sa graduation mo, Aurora?"
Gamit ang mga namumugtong mata, nag-angat ako ng paningin kay Grandma. Dumalaw siya sa apartment ko matapos umalis ni Cleo. Even I was surprised by her sudden appearance—and how the air she brought got lighter and more comfortable to be around.
Bigla na lang, parang naging kakampi ko siya.
I remember the time when she visited me during my ballet training when I was twelve. Iyon ang unang beses at dismayado pa siya sa akin. Halo-halo ang nararamdaman ko noon nang kunin niya ako matapos mag-ensayo at dalhin sa malapit na restaurant para roon kami magtanghalian. Natatakot ako, pero mas lamang ang awa sa sarili.
Iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng pagiging mababa, tila isang gansa na mababa ang lipad.
"Kailangan mong matuto sa lalong madaling panahon," ani Grandma ng tanghaliang iyon. "Our new investor was a fan of ballet, manonood siya sa show. Kung lalambot-lambot pa rin ang mga hintuturo mo sa paa at hahayaan mong maging kasing bigat ka ng sampung baka, hindi ka makukuhang mananayaw. I want that person impressed by the family I have."
Sa kabila niyon ay hindi ako nagsalita. I was too nervous and afraid to talk back.
Bumuntong-hininga ako matapos ang alaalang iyon. Tiningnan ko si Grandma na ang mga mata ay nasa litrato na namin ni Cleo na naka-frame at naka-display sa pader.
"I want to tell you a story about me."
Mula sa pictures, ibinigay ko ang mga mata kay Grandma at hinintay na dugtungan niya ang sinabi.
"What I told you about Cleo and her being ambitious was because of how I and my first love ended." Nanatili ang mga mata ni Grandma roon. "Sa aming dalawa siguro, ako si Cleo at ikaw gaya ng babaeng minahal ko."
Mula sa hindi interesadong isipan, nauwi iyon sa gulat at pagtataka.
"You know me, I am ambitious, and I know how dangerous my mind thinks."
Napailing ako, hindi pa rin makapaniwala.
"Kaya binalaan kita... dahil hindi malabong gawin ni Cleo ang ginawa ko sa babaeng parte na ng aking nakaraan. Inuna kong tuparin ang pangarap ko, dahil alam ko na noon kung gaano kapait mabuhay sa mundo. At kung hindi ko iaangat ang sarili ko sa putikan, walang pupulot sa akin... at madaramay siya."
"But at the end of the day," ani ko. "Ako ang umiwan sa kaniya, Grandma."
"Dahil gusto kong ibigay mo na sa kaniyang ang pagkakataong ito. Aurora, kung may naipangako man siya sa 'yo noon, tutuparin niya iyon paglaon ng panahon."
"If you knew she would based on your similarities, why didn't you end up with your first love?" tanong ko. "Hindi mo na siya binalikan. My dad wouldn't exist if you did."
"Nagmahal siya ng iba, noong kaya ko na sana siyang ipakilala sa mundo. Nasayang ang oras, pero sa nakikita ko hanggang sa ngayon, mas magaan ang buhay niya. Hindi dahil mayaman ang lalaking pinakasalan niya, kundi dahil normal sila sa mata ng mga tao. Hindi gaya namin, silang dalawa ay hindi kinakailangang lumaban araw-araw para lang maging magkasama."
"And you feel fulfilled after that?" Muli akong umiling. "Sigurado ka bang masaya siya? Why do we have to suffer like you? P'wede namang tanggapin niyo na lang kami."
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...