Tiningnan ko si Cleo mula ulo hanggang paa. Ganoon na rin siya sa akin, kasabay ng paghinto ng mga mata niya sa aking katabi. But it didn't last long, iniwas niya agad ang mga mata sa akin saka nagpatuloy sa pakikipag-usap sa pamilya ko. Even my grandma looks worried, while my dad looks contented.
Hindi ko rin alam kung talagang insensitive ang mga nakatatanda sa amin dahil ang mga Lim ay pinapuwesto nila sa aming lamesa, o baka masyado lang akong nag-iisip? Baka natiyempong may pag-uusapan silang mahalaga.
"Thanks to you again for accepting my offer, Raymond." Napangiti ang matandang Lim. "Sa dami ng competitors namin diyan sa paligid, mababawasan na ang pangamba kong mahigitan nila ang produkto namin. At kung may oras ka, maaari kang pumunta sa Tsina para mabisita ang parent company ng aming production company. My business partners will surely welcome you there. You can bring anyone!"
Tumango si Daddy. "Ganiyan naman dapat, Chairman. Sinong negosyante ang hindi mag-aabalang suriin ang mga deal na inaaprubahan nila? I want the best aircraft for our airlines."
"That's what I like about you, hijo! Bagay na bagay kang negosyante!" puri ni Chairman Lim.
Mapait at sarkastikong napangiti si Daddy. "Nagkataon lamang na ako ang panganay. Ngunit paglaon ng panahon, minahal ko na rin ang negosyo ng pamilyang ito."
Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na kumakain habang nakikinig sa kanila. Samantalang, nararamdaman ko pa rin ang bawat pagtitig sa akin ni Cleo.
Hanggang ngayon, miski ako ay hindi sigurado kung hiwalay na nga kami.
She didn't look for me and I didn't come back to our... home.
"By the way, who is the guy your daughter's with?" tanong ng mommy ni Ashley.
Awtomatikong napunta lahat ng mga matang nasa lamesa papunta sa akin. Tiningnan din ni Ashley si Cleo na nagpapanggap na kumakain. Samantalang, hindi ko nagustuhan ang tono ng pang-iintriga sa boses ng babae.
"Ang binatang iyon?" ani Grandma. "Si Yiro, galing sa pamilyang Jung. Isa sa mga business partners namin para sa bago kong negosyo."
"Korean?" si Chairman Lim.
Tumango si Grandma. "Baka sooner or later... i-engage namin ang dalawa."
Nalaglag ang aking panga. Maging si Mommy ay gulat akong tiningnan. Tuluyan naman akong nawalan ng ganang kumain habang pinanonood ang reaksiyon nila sa gilid ng aking mga mata.
Hindi ko alam ang tungkol doon at hindi ko rin mahulaan kung bakit sinabi iyon ni Grandma na tila may inaasahang reaksiyon galing kay Cleo na tiningnan niya.
Napalunok ako at sinulyapan si Cleo na huminto sa pagkain.
"Magandang plano 'yan," anang daddy ni Ashley. "Baka 'etong si Cleo ay planuhan na rin namin."
"D-dad," untag ni Ashley.
Tila walang narinig ang kampo nila dahil hindi nagbigay reaksiyon sa dalaga ng mga Lim.
Samantalang, palihim akong bumuntong-hininga.
"Papayag ba si Aurora diyan?"
Pekeng umubo si Grandma at tiningnan ako matapos ang tanong ng matandang Lim.
"T-there wasn't a problem with me if it's for our business. And if he could sustain my needs... why would I decline the offer?"
Sabay-sabay na natigilan sina Mommy, si Ashley na muling tiningnan si Cleo, at pati na rin ang nasa panig nila. Maliban kay Grandma na tumango at kay Daddy na nagulat man, napangiti rin.
"Mas maigi 'yan nang mabuo nang sigurado ang kinabukasan mo, hija." Binalingan ni Chairman Lim si Cleo. "Walang mangyayari kung palaging uunahin ang puso."
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...