Kabanata 08

3.5K 88 5
                                        

She was a gift. Something I don't deserve. If only I had the chance to turn back time, I would. The time when I am not in denial, when I shouldn't have been unkind.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin, at kung bakit naisipan kong sundan si Cleo. She's just really mysterious and I am craving the answers for who she is.

Unti-unting dumidilim habang sinusundan namin ang motor ni Cleo. Imagine, kinaya niyang mag-drive nang ganito kalayo gamit lang ang motor na 'yon? Isa pa, medyo mabilis siyang mag-drive kaya ilang beses din namin siyang muntik mawala.

"Ma'am, hindi kaya hanapin kayo ni Sir?" si Mang Mario habang nagmamaneho.

"Don't tell him," sabi ko.

Hindi naman uuwi si Mommy at Daddy dahil wala silang sinabing sa bahay sila magdi-dinner gaya kagabi. Kung may poproblemahin man ako, si Arielle 'yon na madalas magsumbong.

"Mukhang papunta na po tayo sa bayan, Ma'am. Dito po kaya nakatira si Cleo?"

Hindi ako nakasagot. Iba kasi ang pakiramdam ko.

Hininto ni Mang Mario ang kotse nang huminto rin si Cleo sa tapat ng isang restaurant. Hindi ako familiar roon, pero mukhang simpleng restaurant lang 'yon na base sa pangalan, unlimited chicken wings ang ino-offer nila.

"Mukhang raket 'to ng bata, Ma'am, ah?" si Mang Mario ulit.

I was enchanted as I scanned the place. Thinking of what Cleo might do here. Akala ko nung una kakain siya roon, not until a guy, maybe older than us, approached her and he was holding a guitar.

Hinintay kong pumasok sila sa loob, pagkatapos ay saka ako lumabas sa kotse.

"Wait for me, Mang Mario. I'll be back after a minute."

With my knees shaking, I stepped inside the restaurant. It was like a fast food chain. O-order ang costumer sa counter at ihahatid ng waiter ang order sa tables, which is the only difference.

Hinanap ko ang sunglasses ko sa aking bag. Good thing that I brought it. Siyempre, hindi dapat malaman ni Cleo na sinusundan ko siya, dahil baka kung ano pang isipin niya.

I became clumsy when Cleo suddenly went out of the staff's room with the keyboard case that I saw her with yesterday.

Wait, what? Is she in a band? Does she know how to play piano? Siya lang ang nag-iisang babae sa banda na 'yon.

Nahulog ko ang sunglasses sa sahig. I wasn't expecting that a waiter would help me, that was too chaotic! Kaya ang nagse-set up na si Cleo, napalingon sa gawi namin.

"Ma'am, ito po." Inabot sa akin ng waiter ang glasses na agad kong kinuha rito.

"T-thanks!" Nautal pa ako.

Mabuti na lang, naagapan ko at nakayuko ako agad para isuot ang sunglasses, saka ako tumayo para kunwaring pumunta sa counter at um-order para hindi ako masyadong mahalata.

Thank God, hindi na siya nakatingin sa akin. She's now busy setting up the keyboard. Sa tantya ko, mukhang bago ako matapos sa pag-order ay makakatugtog na sila. Indikasiyon na hindi niya na ako mababalingan.

Pero muntik nang magtama ang mga mata namin ni Cleo!

Nagawa kong maging maagap at ibaling ang mukha sa cashier.

"Ma'am?" Nailang ako nitong tiningnan. "Nasa taas po ang menu."

Ngumiti ako matapos nitong ngumiti sa akin bago ilahad ang menu.

It feels like I am doing something illegal, dahil sa lakas ng tibok ng puso ko habang kausap ang cashier. Pinili kong mag dine-in, of course, to watch her play, dahil ito kung sakali ang unang beses na makakanood ako ng live band.

Chance Again (Again Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon