Ipinagpatuloy ko ang aking buhay. Nang panahong iyon din ay unti-unti akong naka-recover matapos ng insidente. The only rage that was left for me was for my dad.
Naroon ako nang lumuhod siya sa harapan namin nina Mommy, Arielle, at Grandma para humingi ng tawad, pero hindi lumambot ang puso ko para sa kaniya. Wala akong ibang nakita kundi ang pagiging makasarili at kawalang-konsensiya niya.
He hugged my feet that moment and my only response was to act like I was seeing nothing.
Mahal ko siya bilang magulang, pero hindi ko kayang ibaon na lamang ang galit para sa mga ginawa niya.
Bumalik ako sa kasalukuyan.
Slowly, I removed Cleo's palm that was caressing my cheeks then smiled at her.
Napangiti rin siya kahit naroon ang ginawang pagsunod ng mga mata sa ginawa ko.
Humugot ako ng hininga saka inayos ang buhok ko, kinakapa ang gagawin o sasabihin. Kinuha ko agad ang aking bag na nakapatong sa lababo. Then, I swiftly wiped the tears away from my cheeks.
"Thankfully, nakatapos nga ako at nakaahon."
I saw how she gulped after what I said. Ngumiti siya saka tumango habang nakasunod pa rin ang paningin sa akin.
"Mahirap lahat, college, trabaho, at maging mag-isa," sabi ko. "But it was worth it. Salamat, Cleo."
Lumalim ang paghinga niya at naroon ang pagtataka sa pagiging pormal ko. "I know, Aurora."
Kinagat ko ang aking labi. Hinarap ko siya na hindi naaalis ang mga mata sa akin. "P'wede bang bumalik na tayo sa mga kaibigan natin?"
Tumango siya at nang sanang hahawakan ang door knob, hinawakan niya ang aking pulso. Nagtataka ko siyang nilingon kahit naroon ang kaba.
"Can I go to our apartment after this night out?" walang pag-aalinlangan niyang itinanong.
Nagulat ako pero lamang ang pagtatanong ko sa sarili. Because it has been a long time, she still addressed the apartment as ours.
Tumango ako at wala nang sinabi. At kahit pumayag ako, unti-unting nabura ang ngiti sa labi ni Cleo. Sa kabila nang mga naging reaksiyon niya, lumabas pa rin ako roon. Pasimple kong pinunasan ang natutubig kong mga mata at lumabas ng hallway. Hindi rin nagtagal ay naramdaman ko ang pagsunod ni Cleo hanggang sa makarating kami sa lamesa.
Ako na ang nag-request na mag-order na kami. Samantalang, naroon ang nakangiwing mukha ng mga kaibigan ko, maging ni Tim na nakabalik na matapos ilabas si Drea.
Pinanood nila akong magsabi ng order sa waiter, saka sumunod sina Kesha. While Cleo was looking down at the table. Sa akto niya pa lang, alam kong may iniisip na siya.
My heart ached for the thought, but if I was right in my hunch, I would feel this guiltiness more. I don't deserve her anymore.
"Ayos ka lang?" si Kesha na katabi ko na bahagya pang humilig sa akin.
Dahil doon, narinig iyon ni Sena na bumaling sa amin. Samantalang, nanatiling abala sa pag-order sina Jonary at Tim na nagsilbing boses ni Cleo na hindi nagsasalita.
"'Wag niyo akong isipin," sagot ko.
"Pero nag-usap kayo?" dugtong na tanong ni Kesha.
"Bibisitahin niya raw ang apartment." Hinilot ko ang aking sentido nang manakit iyon.
Awtomatikong nagkatinginan sina Kesha at Sena na parehas napangisi.
"Walang kupas," komento ni Kesha.
Hindi na lang ako nagbigay reaksiyon para matahimik na siya at bumaling na sa lamesa na ginawa rin ng dalawa nang manatili akong walang kibo.
The dinner went on with our silence. Marami ring napag-usapan at nauwi kami sa ayaan na mag-bar.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...