Kabanata 45

814 35 17
                                    

Naghiyawan ang mga estudyante sa canteen nang sumayaw ang mascot na bear sa gitna ng canteen. It was so cute and fun to watch!

Nagtataka kong pinanood ang paglapit nito sa akin habang nakaupo ako sa lamesa namin ng mga kaibigan ko.

"Uy! Balloon!" ani Jonary.

Tinanggap ko ang lobo na bigay nito. Malungkot akong napangiti.

Cleo reminds me of this bear.

Hindi ko na siya makita sa campus. I was close to thinking that she transferred. Imposible naman dahil graduating na kami.

And I asked for this.

Inagaw ng bear ang atensiyon ko nang sumenyas ito. Sa likod nito, lumitaw ang estudyanteng nakasalamin at braces.

"Hello!" Nakipagkamay ang babae. "My name is Elaine. Puwede ko ba kayong picture-an ng mascot namin para sa yearbook?"

Tumango ako at nag-peace sign habang hawak ang mga lobo sa kanang kamay ko. Samantalang, humilig palapit sa kaliwa ko ang mascot.

Sumenyas si Elaine at nag-click ang shutter.

"Puwede picture mo rin us?" magiliw na hiling ni Jonary rito.

Matapos ang pagkuha nito ng litrato at lumapit na ang mascot kay Elaine. Sumenyas ito sa akin pero hindi ko naintindihan.

"Congrats daw sa graduation," ani Elaine.

Ngumiti ako rito at sa mascot na nakahinto lamang sa kinatatayuan. I wonder what its face says inside. Nakangiti ba ito o pagod na dahil sa bigat at init ng costume?

Bumalik ako sa kasalukuyan. I just saw the yearbook on Cleo's shelves in her living room. Naisipan kong buklatin dahil matagal nang nawala ang kopya ko.

Despite that, I could still remember Cleo's photo and quote that was posted on her section's page in that book.

Maiksi ang buhok niya roon at nakasuot ng toga. Maganda ang ngiti niya at feminine siyang tingnan sa litrato.

We would never know what's best for us—so we should continue taking chances to find out.

—Cleo Lim

Dream: To be a pilot, so I could finally go home.

If only I had taken this assurance. If only I didn't just keep her letters but read them over and over again to remind myself.

If only I believed her capability over her grandfather's threat.

"Hiniling niya na pag-aralin ko siya. Do you know why is that, Miss Givan? Because even Cleo knows how much it costs to achieve her dreams. Even her parents couldn't fund it." Naalala ko kung gaano katagumpay ang ngisi nito sa akin. "She even knelt at where you are kneeling right now just to ask for my help to finance her study. Mahalaga ang pag-aaral para sa kaniya. Wala ka ring maitutulong patungkol doon. You may be rich but you are still useless for Cleo's future. Hindi kailangan ng apo ko ng isa pang mahina at makapagpapabigat sa pag-asenso niya. Ipakakasal ko siya sa ayaw at gusto mo, kahit siya na ang humadlang. Hindi ako hihinto hangga't hindi ko napaglalayo nang tuluyan ang landas ninyo. If you don't want her to lose this chance, let her go and never let her come back to you."

Iyon ang laman ng usapan namin nito matapos kong hilingin na makasama ko si Cleo. Matapos kong ipangako na hindi ako makagugulo sa pangarap ni Cleo huwag lang kaming paglayuin.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon